Chapter 21

108 10 1
                                    

Chapter 21: She's back

"Lorie, mabuti at sumama ka sa 'min nako," sabi ni Letisia. Natatawa kong binaba ang picther sa damuhan at umupo.

"Paano ko hindi makakasama eh kay Zander niyo mismo ko pinagpaalam. Boss ko yun e."

"Ikaw kasi eh," sabi Lea. Kumuha siya ng barbeque sa Tupperware at kinagat.

Napailing na lang ako. Nasa luneta kami ngayon at nag p-picnic. Kaninang umaga ang mga magagaling kong kay kaibigan sumugod sa pinapasukan kong trabaho at dumeretso sa boss ko at nag paalam kung pwede ba daw muna akong mahiram kahit isang araw. Yung magaling na boss ko naman pumayag agad. Kasama namin sila Railey at Yohan na ngayon ay nag lalakad na pabalik sa min hawak hawak ang mga biniling ice cream.

Umupo sila sa kanan ko kaharap sila Lea napapagitnaan namin ang mga pagkain na dala nila. Nilapag nila ang mga ice cream sa gilid ng pitcher.

"Kumain muna tayo bago mag ikot," sabi ni Yohan. Kumain ka na kami at kaniya kaniyang kuha ng ulam at kanin. Mukhang pinaghandaan nila ito dahil may barbeque, Menudo, beefsteak, juice at may maraming kanin. Napairap akong kumain ng makitang nag susubuan sila.

"May kasama kayo o," pag tawag ko ng pansin sa kanila.

"Dapat kasi sumama na si Zander eh," Sabi ni Yohan.

"Busy yon," sabi ko. Natatawa siyang tumango tango at kumain na.

Niligpit na namin ang mga gamit at pinasok sa sasakyan ni Yohan ang lahat. Naglakad kami papunta kung saan nakapila ang mga kutsero. Lumapit si Yohan sa isa sakanila at nakupag usap. Yumapos sa kin si Letisia.

"Hoy, nililigawan ka raw ni Zander?" bulong na tanong niya. Kumunot ang noo ko.

"Sino nagsabi?" Ngumisi lang siya.

"Oo at hindi lang girl," aniya. Bumugtong hininga ako at tumango. Lumapad ang ngiti niya at malakas akong hinampas dahilan ng pagtaas ng mga balahibo ko.

"Aray! Bakit kaba ng hahampas?" inis kong sabi. Kinikilig siyang nag peace sign bago nuling lingkisan ang braso ko.

"Anong nararamdaman mo?" kinikilig niyang tanong. Lihim akong napangiti ng may maalala ako.

"Masakit sa braso- Aray! Nakakarami ka!" Sinamaan ko na siya ng tingin nang hampasin ako ulit. Ang sakit kaya!

"Ang weird.." bulong ko. Nakunot ang noo niya. Tinuro ko ang dibdib ko.

"Feeling ko ang saya saya ko pag kasama ko siya. Tipong may kumikiliti si sikmura ko ganun."

Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang kagat kagat ang iba ibang bahagi ng labi niya at pulang pula.

"Ayos ka lang? Bakit pulang pula ka? Nakakahinga kapa ba?" Nanatili lang siyang nakatingin sa 'kin at parang kinilig pa siya.

"Nag kiss na kayo?" biglang tanong niya. Namula ako ng maalala ko ang ginawa ko nong isang gabi. Doon siya nag t-tili na parang baliw. Kaya aligaga kong hinawakan ang braso niya at hinila palapit kay Yohan.

"Nasisiraan na ng bait yang girlfriend mo," sabi ko. Takang tumingin siya kay Letisia na malaki parin ang ngiti. Napaigik si Yohan ng malakas siyang hampasin sa braso ni Letisia.

"May gusto kana sa kaniya!" bulalas niya. Tumalon talon pa siya. Nanigas ako sa kinakatayuan ko.

Ako? Gusto si Zader? Hindi ba masyadong mabilis? Ilang linggo palang kami mag kakilala. Impossible..

Umiling iling na lang ako. Ang kaninang nag tatakang tingin ni Yohan ay napalitan ng pag seryoso at tumingin sa kin.

"Manong, pwede po bang mauna ng sumakay ang iba naming kasama may kakausapin lang ako," sabi niya.

Agad na umalis si Manong. Sumunod sa kaniya si Letisia na hindi mawala ang pag kangisi.

"Aalis na ba ko?"

Hindi siya nag salita.

"Stay away from Reil," seryoso niyang sabi.

"Ha?"

Bakit ba halos lahat sila pinapalayo ako kay Zander?

"Stay away from him, Lorie. Masasaktan ka lang niya, may girlfriend na siya at nag babalak na silang mag pakasal, Lorie," seryoso niyang sabi. Napalabi ako. Lumambot ang mukha niya at lumapit sa kin.

"Kaibigan ko siya at kaibigan kita. Alam ko ang halos lahat tungkol kay Reil at ikaw tinuturing kitang kapatid kaya ayaw kitang masaktan..." mahinahong sabi niyang sabi. Dahan dahan akong tumango.

"Naiintindihan ko," mahina kong sabi. Bumuga siya ng hangin at hinawakan ang balikat ko.

"Lorie, I don't want you to be hurt. So please stay away from him hangga't maaga pa."

I already did, Yohan.

"Paano ko siya maiiwasan gayung boss ko siya at tinuturing na kaibigan?" bulong ko.

"Be an ordinary employee. Bawasan mo ang pagsama sa kaniya. Do your job as an employee, treat him like your boss hanggang sa maramdaman niya na hanggang doon lang siya."

"Hindi ko sinasabi ito dahil ayaw kita para kaniya but Lorie, I swear kung siya ang pag sasabihan ko hinding hindi makikinig yun..." Pagak siyang tumawa.

"He's into you..." bulong niya.

Tinapik niya ang balikat ko.

"Do my advise and promise your life will be simple like before. Walang Zander at hindi ka mangangamba na matanggal ka."

Tumunog ang cellphone niya sa bulsa niya.

Kinuha niya iyon at nakakunoot noong sinagot ang tawag.

"Hello?" Hilaw siyang ngumiti.

"Blaire... how are you?" He asked. Muling kumunot ang noo niya. Maya maya ay lumaki ang mata niya.

"What?! When?!" aligaga niyang tanong. Kumunot ang noo ko. Hinawakan niya ang batok niya.

"A-Alright. Take care.." aniya at pinababa ang cellphone. Tumingin siya sa kin na may pag aalala.

"Bakit? May problema ba? Sino 'yun?" sunod-sunod kong tanong.

"Nothing. Yung sinabi ko sayo Lorie. Stay away from Reil."

Dahan dahan akong tumango pra anman siyang nabunutan ng tinik.

"Sige na, pumunta kana kina Letisia. Susunod ako." Mabilis siyang nag tipa sa cellphone niya iniligay sa tainga.

Tumalikod na ako at hahakbang na sana.

"She's back," sabi ni Yohan. Hinarap ko siya. Nakatingin lang siya sa kin diretso sa mga mata ko.

"She's back, Lorie. His girlfriend is back so stay away from him."

Hindi ako kumibo at mabilis na nag lakad palapit kina Railey.

Buong araw hindi ako nag salita. Simpleng ngiti at tango lang sagot ko sa kanila. Feeling ko wala akong lakas. Umakyat ako sa kwarto ko at humilata sa kama ko. Tinitigan ko ang kisame.

'She's back, Lorie. His girlfriend is back so stay away from him.'

Pumikit ako ng mariin. Umalis pala ang girlfriend niya. Pagak akong tumawa.

Pinag lalaruan lang pala ako tas ako 'tong si tanga tuwang tuwa pa.

I trust him. But now... I don't know..

Minulat ko ang mata ko at binulong sa hangin ang mga katagang ayokong itanong sa kaniya.

"Mahal mo ba talaga ako?"

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now