Chapter 19

142 8 0
                                    

Chapter 19: Warn

"Anak?" tawag ni Papa sa labas ng kwarto ko. Binuksan ko ang pinto.

"Bakit po ba?" Tinuro niya ang hagdan pababa.

"Nasa baba ang boss mo. May pinaalam sa 'kin." Natatawa niyang sabi. Napakunot ang noo ko.

"Nandiyan siya? Ano daw po kailangan niya? Anong pinaalam?"

Humalakhak lang si Papa at umiling iling ito.

"Mag ayos ka muna at bumaba. Doon ko nalang sasabihin."

Tumango na lang ako at pumasok na sa kwarto para mag ayos.

Nag suot ako ng puting v-neck shirt then black jeans. Mabaha masyado ang shirt ko kaya ayos lang na jeans ang isuot ko. Madali akong bumaba at naabutan kong nag kakatuwaan sila sa hapag. Napatingin sa 'kin si Papa.

"Anak, maupo kana."

Umupo ako sa kanan na katabi ni Papa. Pahaba ang mesa namin kaya kaharap ko si Zander habang katabi niya si Gelo at Warren katabi ko naman si Juliet.

"Good morning." Nakangiting bati niya sa 'kin. Maliwanag pa sa araw ang mukha niya kaya mas lalo akong nag taka. Taka akong tumingin kay Papa.

Tinuro ko si Zander.

"Anong pinaalam nito?" Napakamot si Papa sa ulo niya.

"Nag papaalam kay Papa kung pwede ka daw bang ayain na kumain sa labas," sabat ni Warren. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay may mapang asar na ngisi sa mukha.

Binalik ko ang tingin ko kay Papa. Na ngayon ay may alanganin na ngiti.

"Ang sabi ko ayos lang naman sa 'kin pero ikaw parin naman anak ang masusunod," sabi ni Papa. Umangat ang gilid ng labi ko at tinapunan ng tingin ang taong kaharap ko. Patay malisya lang siya at inosente akong tiningnan at ngumiti.

"Napag paalam na kita."

"Hindi pwede may pasok pa 'ko," sabi ko. Mas lalong lumawak ang ngiti nito.

"Pwede kang malate. No deduction, I swear," sabi niya.

Tinaas niya pa ang kamay kanang kamay niya.
Bumuntong hininga ako at tumango. Pumalakpak si Juliet at tinuro pa kami.

"Pasalubong a," hirit ni Gelo. Tumawa lang si Papa habang ako naiiling.

Nang matapos na kong kumain ay umakyat na ko sa kwarto ko para mag bihis. Kukunin ko sana ang pantalon ko kaso biglang pumasok sa isip ko ang suot niya kanina. Pinilig ko ang ulo ko at kumuha ng isang pitch color off shoulder dress na above the knee ang saharap pahaba papuntang likod at isang pitch color din ng 2 inch na takong. Nag lagay ako ng konting foundation at lip gloss. Nilugay ko ang buhok at sinuklay. Tiningnan ko ang itsura ko sa life size mirror. Sinuot ko ang earings ko at ang pouch ko at tumingin muli. Napangiti ako. Bumaba na ako sa kwarto ko. Naabutan ko siyang nakatayo at nakatalikod sa kin. Napansin ako ni Warren at namamanghang tinuro ako.

"Kuya si Ate," sabi nito.

Nailang ako ng pag harap niya niya tinitigan niya lang ako. Kinabahan ako. Baka sumobra yung pag aayos ko.

"A-Ayos lang ba? H-Hindi ba bagay?" Naiilang kong tanong. Bumalik siya sa wisyo niya at matamis itong ngumiti. Humarap siya kay Papa.

"Pa, alis na po kami," paalam niya. Natigilan ako sa tawag niya. Pa?

Tumango lang si Papa.

"Ingatan mo ang anak ko." paalala niya. Tumango si Zander at nilahad ang kamay niya sa harap ko.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant