Chapter 8

160 11 0
                                    

Chapter 8: Treat

Kinuha ko ang bag ko sa table ko at humarap kina Mara.

"Una na 'ko," paalam ko. Tumango sila at isa isang nag beso.

"Take care, girl. See you tomorrow." Kris said.

"Yeah. Kayo rin. Bye."

Kinuha ko na ang bag ko at nag tungo sa elevator. Pinindot ko ang down botton.

"Going home?" sabi ng isang pamilyar na boses. Lumapit siya sa tabi ko.

"A... opo, Boss."

"Nung nakaraan Sir ngayon Boss?"

"Hindi naman po tama na pangalan lang ang itawag ko sa inyo."Naiilang na 'ko.

"As far as i know. Ako ang boss so wala silang paki kung ano man ang itawag mo sa 'kin at bilang boss mo. I wan't you to call me by my name," sabi niya.

Bumukas na ang elevator kaya mabilis akong pumasok. Sumunod naman siya. Pinindot ko ang botton nasa parking area.

"Lorie."

Wala akong nagawa kun'di ang tumango dahilan para ngumiti siya.

"Good."

Ilang minuto pa bumukas na Elevator.

"I need to go, Zander. Bye." Mabilis akong nag lakad pero sadyang makulit siya at mabilis na nahawakan ng braso ko.

"Can.. I drive you home?"

Kumunot ang noo ko at tumingin sa tenga niyang namumula.

"No, thanks. May sasakyan ako." Ngumiti ako pagkatapos. Lumuwag ang pag kakahawak niya kaya mabilis kong binawi ang braso ko.

"Ingat sa pag drive, Zander." Mabilis akong nag lakad patungo sa saskayan ko at pumasok dito.

Isinuot ko na ang seatbelt at pahagyang pinaabante. Nakita kong nakatingin sa 'kin si Zander. Hindi ko mabasa ang emosyon nito. Kumaway lang ako at nag maneho na palabas ng parking area.

Nilagay ko ang phone ko sa dashboard at tinawagan si Chanary.

"Hello?" Kumunot ang noo ko ng marinig na maingay ang kabilang linya.

"Nasaan ka? Bakit ang ingay?"

"Bar." simple niyang sagot niya.

Unti unting humina hanggang sa mawala ang ingay sa kabilang linya.

"May kasama ka?"

"Wala. Come on Lorie. I'm old enough para uminom kung kailan ko gusto. Kaya ko naman e."

Napailing ako.

"Fine. Uuwi ka na ba? Susunduin na lang kita."

"Talaga?! Pupuntahan mo 'ko?" parang bata niyang sabi.

Napatawa ako.

"Oo naman. Nasan kaba? Uuwi kana ba?"

"Sa resto na lang tayo mag kita. Text ko sayo kung saan. Ingat!" aniya at pinatay ang linya.

Napailing na lang ako. Ilang sandali nag text na siya at nakalagay kung saan kami mag kikita.
Chanary is like brother to me. Mas lalo kaming naging close noong nag hahanap kami ng impormasyon tungkol sa accident two years ago. Two years lang ang tanda ko sa kaniya ganun din si Chase.

Pinark ko na ang sasakyan ko at ka agad na bumaba. Nag ring ang phone ko.

"Nandito na ako."

Pumasok na ako ng glass door. Tiningnan ko ang paligid at hinanap siya. Napalingon ako sa bandang dulo ng resto na ito. Nakatayo si Chanary at kumakaway. Kumaway ako pabalik at mabilis na nag lakad sa kaniya.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now