Chapter 1

270 15 6
                                    

Chapter 1: Zander Del Fuego

Mabilis akong nag lakad sa table ten ng umupo na ang mga bagong costumer.

"Good morning Sir, Ma'am. May i take your order?" magalang kong tanong. Tumingin lang sa 'kin ng seryoso ang lalaki.

"Ah coffee na lang muna miss may hinihintay pa kasi kami." sagot ng Babaeng kasama niya at ngumiti. Isinulat ko ang gusto niyang kape bago mag paalam na umalis.

Pag tapos kong ilagay ang order slip agad akong pumunta sa kabilang table. Bawat galaw ko hindi komportable dahil ramdam kong naka titig yung lalaki sa 'kin. Kapag napapatingin ako sa kaniya at nag tatama ang mga mata namin feeling ko napapaso ako kaya umiiwas agad ako ng tingin.

Bumalik ako sandali sa locker para mag break ng ilang minuto. Saktong pumasok din si Chase kasama si Lea.

"Oh ayos ka lang? Para kang na tatae d'yan?" natatawang tanong ni Lea.

"Wala, pagod lang siguro ang daming costumer e." 

Dahan-dahan naman silang tumango bago umupo sa maliit na mesa namin dito.

"Nag baon ka o kukuha ako sa loob?" malambing na tanong ni Chase.

"Kuha ka nalang sa loob hon, please."  Tumango siya at nakangiting lumabas para tumungo sa kitchen.

"Woi, nakita ko 'yun. Bakit ka tinititigan nung lalaking costumer?" Nagtaas baba ang kilay ni Lea.  Bigla ko tuloy naalala ang mataray na tindera namin sa canteen nung highschool.

Bumuntong hininga ako at umupo sa kaharap niyang upuan.

"Ma at Pa. Malay ko at pake ko..."

"Tama naman yung order tapos magalang naman ako. Hay ewan,basta nakakailang." Irita kong sabi.

"Baka type ka?"

Ngumiwi naman ako.

"Magtigil ka, malay mo naman may nagawa talaga akong hindi niya nagustuhan."

Nag kibit balikat lang siya at hindi na nag salita pa. Sakto namang dumating si Chase na may dalang mga pagkain at umupo sa tabi ko.

Binilisan lang namin ang pag kain dahil marami pa kaming gagawing trabaho at minuto lang break namin. Nag ayos lang kami ng konti bago lumabas ng locker room. Napatingin ako sa gawi nung lalaki at laking pasasalamat ko at wala na sila 'dun.

Nag simula na akong kumilos at kinuha ang mga order ng bagong mga costumer. Mabuti at kahit natataranta na kami ay walang nag kakamali sa pag bibigay ng mga order.

Nang matapos ang oras. Sabay-sabay kaming pabagsak na umupo dahil sa pagod.

"Ay salamat!" sigaw ni Letisha sabay unat ng braso niya.

Hinawi ni Patrick ang kamay niya ng tumama ito sa mukha niya at masamang tiningnan. Humagalpak kami.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya napa hangad ako.

"Huwag kang malikot," ani Chase.

Sinimulan niyang imasahe ang balikat ko. Napapikit ako ng matamaan niya ang bahagi kung saan ang masakit.

Narinig ko ang mga kantyaw nila kaya dumilat ako at tumawa.

"Respeto naman sa walang boyfriend. Jusko haler! May mga single dito!" pag iinarte ni Lea. Napuno ng tawanan ang paligid nang may tumikhim.

Mabilis kaming tumayo at humera nang makitang ang manager iyon. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang lalaki na kanina lang ay nakatitig sa 'kin. Naka itim siyang polo at itim na pang baba at kung titingnan ay halatang mayaman.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें