Check-In 06: Lost in Translation

1.3K 147 10
                                    

Check-In 06: Lost in Translation

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Check-In 06: Lost in Translation

"Gusto kong buksan at basahin mo iyan kapag hindi pa rin ako nakabalik sa loob ng isang linggo."

ISANG LINGGO NA simula nang umalis si Count Vladimir pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakabalik.

"Una. Una, nakikinig ka ba?!"

Napatalon ako bahagya sa gulat nang sigawan ako ni Kyrine. Natigil na rin ako sa pagma-mop dahil doon.

"Bakit? May kailangan ka ba?" I asked.

"Umalis ka na nga r'yan. Siguro naman tapos ka nang magmop ha no? Kanina pa r'yan nakaharang."

"Ay, sorry!" sagot ko nang matantong kanina pa pala ako nagma-mop sa tapat ng front at concierge desk nang wala sa sarili.

Dali-dali kong kinuha ang balde ng tubig mula sa sahig at dinala iyon kasama ng mop pababa ng hagdan. Mababa lang ang hagdan mula sa lobby paakyat ng desk. Nasa sampung baitang lang. Ang estilo nito ang isa sa mga pina-renovate ni Count Vlad limang taon na ang nakakaraan. Bumalik na ako sa staff quarter at pumasok sa storage room para isauli iyong mop.

Hanggang ngayon ay kabado at nag-aalala pa rin ako para kay Count Vladimir. Sana ay ayos lang siya pero bumabagabag pa rin sa akin ang mga salitang binitawan niya noong araw na umalis siya. Para kasing namamaalam siya na may pahabilin pa. I shook my head to eradicate those unpleasant and unnecessary thoughts. Uuwi siya. Uuwi siya.

Biglang nagvibrate ang cellphone sa loob ng bulsa ng Type C uniform ko. I pulled it out of there and swiped the screen right away when I saw that it's a text message from Count Vladimir. Sabi ko na nga ba ligtas siya!

"Salamat, Lord!" bulalas ko na tila nabunutan nang malaking tinik sa dibdib.

Just like the mortal's way of communication, nag-evolve rin through time ang komunikasyon sa Abseiles. Not all beasts are mind readers or someone who connects with others through frequencies and mind links. We are using these gadgets too to communicate. Convenient 'to lalo na sa aming mga psychics at superhumans na nandito.

Una, maaari mo ba akong sunduin ngayon?

Kaagad ko namang tinawagan si Count Vladimir subalit hindi ito sumasagot. I tried it again but he kept cancelling the call.

Nasa may pantalan ako ngayon. I can't answer your call because I am in the middle of an emergency.

I hastily exited the storage room then rushed to staff hall to tell Mama Adele about it. Nadatnan ko roon sina Ate Honey at Kuya Nolan. I made them read the texts.

"Nasa may Capitol ang pantalan," usal ni Mama Adele.

"Ako na susundo sa kanya," alok agad ni Kuya Nolan at tumayo kasi pansin kong gumalaw iyong silyang kinaroroonan niya at iyong lumulutang niyang salamin ay mas matangkad na sa akin.

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon