Check-In 21: Pirates of the Caribbean

1.2K 162 111
                                    

Check-In 21: Pirates of the Caribbean

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Check-In 21: Pirates of the Caribbean

DAHAN-DAHAN KONG IMINULAT ang mga mata ko. I closed it again when a very bright light greeted my sight. I slowly opened it once again until my vision got fully accustomed to my surrounding. I blinked when I realized that I was looking at an intricately-carved and fully-furnished ceiling. Maganda pero parang kakaiba.

"You're finally awake."

Napaupo ako sa sofang kinahihigaan at nagpalinga-linga sa paligid. Nasa parang isang antique shop ako na ewan. Hindi ko alam kung nasaan ako...

Napabaling ako sa direksyon ng taong tumikhim at nagulat ako nang magtagpo ang mga mata namin ni... Marilyn Monroe! Napatalon ako at 'di nagtagal ay tumayo na sa likuran ng sofa. I shivered more when she smirked. Deads na siya, 'di ba?!

"S-Sino ka?" tanong ko.

Humalakhak siya nang mabakas ang kaba sa boses ko. Pinaraanan ko ng tingin ang kabuuan ko. Diyos ko, buo pa naman ako. Suot ko pa rin iyong huling suot ko kanina bago ako... Teka, ano bang nangyari sa akin? I closed my eyes and thought hard. Nagmulat ako nang maalala iyon... Nasagasaan ako... Ibig sabihin ba nito ay...

"N-Nasaan po ako?" tanong ko ulit, nanginginig pero pilit na nilalabanan ang kaba.

"Maligayang pagdating sa Tindahan ni Aling Nena," she introduced while stretching her arms to show the place.

Doon ko lang din napansin na parang nasa may counter siya. Gawa sa mahogany ang lugar at muebles. Makaluma pero mukhang matibay at pulido ang pagkakagawa at furnish.

"Aling Nena? Sinong Aling Nena? Nasaan siya? Bagong bihis ba 'to ng tindahan niya?" sunod-sunod na tanong ko nang matantong baka si Aling Nena sa may UP ang tinutukoy niya.

"Nasa afterlife ka, neng," pagtatama ni Marilyn Monroe saka nginishan na naman ako.

"Ano po?! Paanong nasa afterlife na ako?"

"Nasagasaan ka, remember? Kaluluwa ka na ngayon. Pero huwag kang mag-alala, buhay ka pa naman," she assured me with a smile as if it would calm me down. It didn't!

Umiling ako at akmang tatakbo na sana pero paglingon ko sa gilid ko ay may magandang babae nang nakatayo roon. Napaatras ako at muntik nang mapaupo sa sahig pero mabilis na lumapit ang isang grandfather's chair at sinalo ang puwet ko paupo.

"Pagpasenyahan mo na ang apprentice ko, hija. He needs to know and practice a lot more in running our shop," anito at matalim na binalingan si... Audrey Hepburn naman?!  Suot-suot niya 'yong iconic niyang outfit sa Breakfast at Tiffany's.

"Teka, si Marilyn Monroe 'yon kanina ha. Nasaan na siya? Bakit naging si Audrey Hepburn- paanong napunta siya r'yan? Patay na po sila 'di ba?" tanong ko habang tinuturo si Audrey Hepburn na nakatuko ang isang siko sa countertop habang nakangising pumapangalumbaba. She was even tapping her fingers on her chin.

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon