Check-In 02: A Breath of New Life

2K 202 21
                                    

Check-In 02: A Breath of New Life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Check-In 02: A Breath of New Life

Soundtrack: Don't Stop Believing by Boyce Avenue


NAGING MADALI PARA sa akin ang pagtakas sa ampunan sa tulong ng kasuotang pangmadre na hiniram ko kay Sister Junel. Simpleng ngiti at tango lang sa mga nakakasalubong kong madre ay nakatulong na para hindi nila ako paghinalaan. Ang laki rin ng naitulong nito para malibre ako ng pamasahe sa dyip na sinasakyan ko.

Dala ang satchel kong may katamtamang laki ay nagawa kong pumuslit nang tuluyan sa bahay ampunan.

I don't know yet where I am going pero gaya ng sabi ni Sister Junel ay malaki ang mundo and that I have to explore millions of its possibilities. At iyon ang gagawin ko.

Pumara ako ng jeep at nakipagsiksikan sa mga naroroon. Pupuntahan ko muna ang puntod ng pamilya ko at magpapaalam bago ako makipagsapalaran sa mundo. I know Tiya Hilda will approve of this as long as I am not under her torn roof and little house.

Nang malapit na ako sa patutunguhan ko'y binuksan ko ang bag ko at kinalkal doon ang pitaka ko upang magbayad na sana. Bigla akong kinabahan nang hindi ko parin iyon makapa at makita sa loob.

"Excuse me po, sister. May problema po ba?"

Napatingin ako sa dalagang nakasuot ng unipormeng pangkolehiyo na hindi kalayuan dito sa amin. Batid ko ring medyo nagulat siya nang mapansing mas bata ako sa kanya subalit ipinagkibit balikat na lamang niya iyon. Iniisip niya sigurong baka baby face lang talaga ako.

"Nawawala kasi iyong wallet ko. Naroroon pa naman lahat ng pera ko," kinakabahan kong tugon. Natural lang. Dapat kabahan ako!

"Ha? Saan po ba kayo bababa?"

"Sa sementeryo sana."

"Sige po ako na lang ang magbabayad sa inyo."

Natigil ako sa pagkalkal ng mga gamit ko sa loob ng bag at gulat siyang tiningnan.

"Naku! Hija, nakakahiya naman! Huwag na! Bababa na lang ako rito at maglalakad papunta roon. Manong-"

"Bayad po namin ni sister," mabilis niyang dugtong sabay abot ng barya sa drayber.

"Salamat po este salamat, hija. Pagpalain ka nawa ng Poong Maykapal," I said while making the sign of the cross in front of her with my right hand.

"Walang anuman po. Salamat din po sa blessing niyo," nakangiti niyang sagot sa akin.

Sa sobrang bait niya ay nagi-guilty tuloy ako sa ginawa kong pagsisinungaling.

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon