Check-In 27: The Truth About Forever

1.1K 141 23
                                    

Check-In 27: The Truth About Forever

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Check-In 27: The Truth About Forever

HINDI AKO MAPAKALI habang nasa loob ng kwarto namin. Pinatulog na namin iyong mga batang Grimm pero hindi ko kayang pumikit man lang. Nahuli ko kasi sina Tatay Sigurd at Mama Adele na nagbubulungan kanina. Hindi ko man nakuha ang buong usapan nila pero pansin kong nag-aalala si Mama Adele. Tatay Sigurd calmed her down before he carefully got out too. He reminded Mama Adele to keep the doors locked.

Pag-alis ni Mama Adele sa sala at pagpasok sa kwarto niya ay dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko at mabilis na lumapit sa may bintana. Hinawi ko ang makapal na kurtina upang silipin ang labas. Namilog ang mga mata ko sa nasaksihan sa labas, sa may Lake Grimm...

May hukbo ng mga sirena, sireno, mga shokoy, at iba pang mga sea beasts ang naroroon. Sa may shore naman nandoon nakatayo sina Tatay Sigurd, Master Fifth, at Master Diez. Nagulat din ako sa malaking dragon na lumilipad sa himpapawid kasama ni Doc Sixtho. Nahuli ko rin ang pagtakbo ni Ate Honey palapit sa kanila.

I then hurried to the front door to get out. Kaso ay no'ng akmang hahawakan ko na sana ang seradula ay biglang nagyelo iyon. Nilingon ko ang seryosong si Kyrine na nakatayo sa tapat ng sliding doors ng kwarto namin.

"Bakit hindi ka na lang matulog doon kasama namin ni Lulu? Bawal tayong lumabas, Una," aniya.

"Anong nangyayari rito–Una!" si Mama Adele na bigla'y nasa tabi na ni Kyrine nakatayo. "Anak, delikado sa labas," mahinahong pagpapatuloy niya.

"Ma, ano po bang nangyayari? Kaya pala masama 'yong pakiramdam ko kanina pa. Kaya pala dali-dali tayong pinapasok ng mga clone ni Captain Sven sa kanya-kanyang kwarto natin kasi..." Lumunok ako bago dinugtungan ang sasabihin. "Kasi may hindi magandang nangyayari sa labas."

Naninimbang ang mga tinging ipinupukol ni Mama Adele sa akin. I softened my expression to beg for her to tell me the truth. She heaved a deep sigh and nodded.

"Iyong Wolf Beast na namuwersa sa akin kanina ay sumugod sa kabilang bahagi ng hotel, sa harap. Kasama niya iyong buong pack niya. Ang sabi ng Tatay Sigurd mo ay espiya raw sila ng mga Nodram dito sa West Region. Nando'n ngayon si Master Thirdy kasama ng iba pang mga kapatid niya para harapin sila."

Nagulat ako sa nalaman. Master Thirdy's trying to control the panic and fear that might stir among guests, residents, and even us, employees by not telling us anything and guiding us safely inside our rooms and units.

What he did might be clever but I didn't want them facing the danger all by themselves as if they're willing to sacrifice. I can fight! They should let us protect ourselves. I don't want them seeing me as someone fragile and incapable of fighting. I can contribute through fighting.

"Ma, kakampi rin po ba ng mga Nodram ang mga sirena sa labas?" tanong naman ni Kyrine kaya napabaling kami sa kanya.

Maagap namang umiling si Mama Adele. "They are after Honey. Marahil ay nalaman nila ang ginawa ni Nolan. They won't let her be happy."

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon