Check-In 13: Wuthering Heights

1.2K 147 70
                                    

Check-In 13: Wuthering Heights

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Check-In 13: Wuthering Heights

IT'S ANOTHER DAY of school. I woke up early, prepared our breakfast, and dressed myself up. I sported a light green sweetheart neckline spaghetti strap top underneath my white puffed sleeve oversized denim jacket. I paired it with a white high-rise skinny jeans and green and white striped espadrilles. Tinali ko pa-half-ponytail ang buhok ko at ginawang high bun ang kalahati no'n saka ko nilagyan ng yellow bow sa likod. I took and slung across my shoulder my green Balenciaga sling bag before turning around in front the mirror to check my reflection. Pagharap ko ay kinindatan ko ang repleksyon ko sa salamin sabay finger gun ng dalawang kamay ko. Natawa ako pagkatapos. Para akong sira. I drew inspiration from Tinkerbell for my look today.

 I drew inspiration from Tinkerbell for my look today

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dating gawi ay hinatid kami ni Kuya Nolan sa UP. First day ngayon ni Ma'am Alba sa university at ihahatid siya ni Professor Alamid. Siyempre well-pampered ang shulditang prinsesa ng mga kuya niya. Sa Conservatory of Music siya nabibilang because she's taking Bachelor of Music in Performance, major in Strings and Harp.

Tahimik na naglalakad ako papunta sa building ng CAL nang biglang may malakas na bumangga sa balikat ko. Ang balikat ko pa na kumikirot nitong mga nakaraang araw. Nabitawan ko tuloy ang libro at binder ko. Muntik na rin akong sumubsob sa lupa, mabuti na lang at napigilan ko ang pagbagsak nang tuluyan dahil tinuko ko ang mga palad ko roon. I immediately pushed myself up. Pinulot ko ang mga gamit ko agad at tiningnan nang masama ang tumatawang sina Krissy at Gowe.

"Oops, sorr-" natigil sa pagtawa si Gowe nang may biglang humaklit sa likurang kwelyo ng mamahaling damit niya. "J-Juno..."

"Nakita ko 'yon," seryosong saad ni Juno habang mahigpit na kapit pa rin ang kwelyo ni Gowe na agad namang kinabahan kasama ng pinsan niyang si Krissy. May leather gloves pa siyang suot at halatang kabababa lang sa motorsiklo niya.

Unti-unti na kaming nakakaagaw ng atensyon ng iba pang mga estudyante sa paligid. Nahuli ko pa si Ma'am Alba na nahinto sa paglalakad at humilig sa may column ng CAL building saka humalukipkip at nagtaas ng kilay. Dala-dala niya ang pulang case ng violin niya na nasa may likuran niya. Pinilig niya rin ang ulo niya habang pinapanood ang eksena. Kinabahan ako na baka may makakita sa aming prof o mga staff at ireport kami kaya hinawakan ko agad sa may braso niya si Juno para pigilan siya.

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon