Check-In 19: Rich People Problems

1.1K 147 62
                                    

Check-In 19: Rich People Problems

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Check-In 19: Rich People Problems

NARINIG KO ANG paghila ng upuan sa tabi ng kama ko. I didn't know who it was and I don't want to face whoever it is either. Pakiramdam ko ay wala akong lakas na harapin ang anuman o sinuman ngayon. I just simply want to disappear right now.

"Hindi ka pa kumakain. Nag-aalala na kaming lahat sa'yo," Lady Incha spoke.

"Wala po akong gana..." pabulong na sagot ko.

"Dalawang araw ka nang hindi kumakain. Dalawang araw ka na bang walang gana?"

I didn't reply. Dalawang araw na akong nagkukulong dito sa kwarto namin. Noong nasa mundo pa ako ng mga tao ay tatlong araw ang pinakamatagal na hindi ako kumain. Our mother locked me up in the cell and forbid everyone to go there and get me some food. Sinira ni Kuya Vinzi ang pinto sa ika-apat na araw at nakipagtalo na kay nanay. Kaming dalawa tuloy ang nakulong sa loob. However, I didn't feel so alone that particular day because he was with me. E, siya kaya, kumusta na siya ngayon? I wonder if he feels alone too in the South Region. Si Kuya Vinzi na laging nand'yan para sa akin. Si Kuya Vinzi na laging akong pinagtatanggol. Si Kuya Vinzi na lagi akong sinasalba at sinasalo. Pero nasaan ako ngayong kailangan niya naman ako?

Lady Incha sighed and spoke. "I think it's about time for you to know the truth."

Bahagyang pinihit ko ang katawan paharap sa kanya dahil naguguluhan ako sa sinabi niya. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Naramdaman at napansin namin ang paglakas namin pagdating mo rito sa Hotel Grimm."

Tuluyan na akong pumihit paharap sa kanya. She had taken that as a cue to continue.

"Pero nalaman at napatunayan lamang ni Vladimir ang lahat nang sanayin ka niya."

"Hindi ko po kayo maintindihan," I told her truthfully.

"Hindi ka lang isang simpleng psychic, Una. Isa ka ring espesyal na beast. You can modify and strengthen the ability of those other beasts around you." Nagulat ako sa paliwanag niya.

I didn't expect that one. I don't even understand it. Gulong-gulo pa rin ako. How does that supposed to make me feel better?

"Bakit po sa tingin niyo ay kailangan kong malaman 'to? Yes, I am special beast yet I can't even save my own brother."

"Natitiyak kong ganoon din ang abilidad ni Vinzi. Hindi lang siya isang simpleng psychic kaya marahil ay tinambangan ng mga Nodram ang armored vehicle na lulan niya noon sa mundo ng mga mortal sapagkat alam nilang mapapakinabangan nila ang mga kakayahan ng kapatid mo. Isa siya sa magsisilbing alas nila."

"Kaya po ba... Kaya po ba hanggang ngayon ay hindi siya ginagalaw ng mga Nodram sa South Region? Bakit po nandurukot ng mga beasts sa mundo ng mga mortal ang mga Nodram?"

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon