Check-In 23: I Know Why The Caged Bird Sings

1.3K 171 80
                                    

Check-In 23: I Know Why The Caged Bird Sings

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Check-In 23: I Know Why The Caged Bird Sings

SINUBUKAN KO ULIT siyang itulak pero hindi pa rin siya natinag. He was looking so intently at me until he slowly loosened his grip and finally let me go.

Kaagad naman akong lumayo sa kanya at tumakbo na papunta sa pinto. Hawak ko na ang seradula nang magsalita ulit siya.

"Pack your bags. We'll be going East Region tomorrow morning. Juan and Dos had already prepared the papers you will be needing for your so-called and sudden school transfer," bilin niyang tinanguan ko lang.

Hindi ko alam kung nakita niya ba 'yon pero bahala na siya sa buhay niya. Ang mahalaga ay makaalis na ako roon at makalayo sa kanya. The place we shared together felt small and suffocating.

Pagdating ko sa unit at kwarto namin ay kaagad akong nag-impake sunod sa utos ni Master Thirdy. Ilang linggo na lamang ang natitira sa amin kaya wala nang time para magreklamo. Kailangan na naming magmadali para mabuo ang mga kapatid niya kung hindi ay babalik na si Ma'am Solange para kunin ang Hotel Grimm at gawing kuta ng mga taga-sunod niyang Nodram. Hindi pwede iyon lalo na at bukod sa mawawalan kami ng tahanan ay gagamitin nila itong base ng mga hukbo nila upang sakupin ang West Region at ang buong Abseiles. Hindi ako papayag. Hindi namin hahayaan iyon.

Habang nag-iimpake ay panay ang paulit-ulit ko sa mga katagang 'Hoping for the best, prepared for the worst, and unsurprised by anything in between' ni Maya Angelou sa akda niyang I Know Why The Caged Bird Sings. Hindi magiging madali ang magiging experience ko sa East Region lalo at isa akong psychic. Bawal ang psychic sa rehiyon na iyon pero wala akong choice. Kailangan kong magsakripisyo para sa pamilya ko rito sa Hotel Grimm. I just have to anticipate the worst case scenario while also wishing for the best.

I was up early and was all set with my oversized yellow hoodie with big red stripes on each of its sleeve, red track pants, and orange with white rubber shoes. Nakatirintas ang ibabaw at kalahati ng buhok ko habang nakalugay naman ang ibaba. Dala-dala ko ang isang light yellow crossbody na may white text prints sa itim na sling habang hila-hila rin ang maleta na may patong na duffle bag palabas ng Hotel Grimm.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon