Check-In 31: Les Misérables

1.1K 109 23
                                    

Check-In 31: Les Misérables

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Check-In 31: Les Misérables

KABADO SI SVERINO hindi para sa sarili niya kung hindi ay para sa nakakatandang kapatid niya.

“Sigurado ka ba talaga rito, kuya?” tanong niya rito. “Alam kong gusto ni Una na makasama ang kapatid niya pero nasisiguro ko ring hindi siya papayag dito sa pinaplano mo.”

Hindi naman nagsalita si Mythos. Patuloy niya lang pinanood ang pagbubukas ni Ocho ng portal papuntang South Region. He had to save all his chi for his plan.

“Sasamahan ka na lang namin,” Mayor Juan offered.

Maagap namang umiling si Mythos. “Manatili kayo rito at bantayang maigi ang hotel at ang buong West Region. Hindi pa ito ang tamang oras upang makipaglaban tayo. Itatakas ko lang si Vinzi.”

“Paano kung hindi ka na makalabas do'n?” asked Ocho.

Hindi man nito ipahalata ay alam niya sa kaibuturan niyang nag-aalala siya para sa nakakatandang kapatid niya. Mythos turned to him and smiled.

“Please take care of the Hotel Grimm and our family. Please tell my wife that I love her.”

Kinuwelyuhan naman ni Sverino ang kapatid niya nang hindi na siya makapagpigil. Hindi niya nagustuhan ang tono nito, tunog naghahabilin.

“Bumalik ka para sa kanya, kuya. Para sa Hotel Grimm din at para sa amin... Kailangan ka namin...” pumipiyok na aniya.

Mythos smiled and gently patted him on his head.

“Babalik ‘yan. He wouldn't miss his heaven-sent second chance with her,” panunukso pa ni Fourth sabay marahang tapik sa balikat ng kapatid.

“Make her happy ending come true this time. Binigyan ko siya ng ticket para sa ‘yo at para ro'n,” karagdagang bilin pa nito.

“The portal is all set,” anunsyo ni Ocho.

Tumango si Mythos at naglakad na palapit sa nakabukas na portal. Dahan-dahan ulit siyang pumihit paharap saka taos-pusong nginitian ang mga kapatid niyang nandoon.

“I will be back for our family,” he said before he stepped inside the portal going to South Region to rescue Vinzi.

KANINA KO PA hinahanap si Mythos sa buong Hotel Grimm. I slept with my sisters in our unit yesterday so I didn't have the chance to see him today.

Ewan ko ba at namimiss ko ang pagmumukha at mga pangungulit niya sa akin. Gusto ko rin kasing makiusap sa kanyang sanayin ako sa paggamit pa ng ability ko at combat para magawa kong lumaban at iligtas si Kuya Vinzi sa South Region.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni magawang titigan man lang ni Diez. Naiintindihan ko namang umasa siyang iyon ang hihilingin ko pero hindi ko pinagsisisihang ibigay ang pagkakataong iyon para kay Lady Incha. Gusto ko rin sanang patunayan sa kanya na kaya ko, na magagawa kong iligtas ang sarili kong kapatid.

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon