Check-In 22: Little Women

1.3K 196 107
                                    

Check-In 22: Little Women

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Check-In 22: Little Women

I STARED AND stood in complete shock after his unexpected revelation. Para akong nasabugan ng bomba lalo na nang magtransform siya ulit bilang best friend kong si Juno. May mukha na si Master Thirdy... Hindi ko mawari kung anong dapat kung gawin, sabihin, at maging reaksyon.

Prank ba 'to? Joke ba 'to? Anong klaseng gimik 'to? Hindi nakakatuwa...

"Anong nangyayari rito?" asked Captain Sven.

Kasama niya si Master Ocho at pagdaan nila sa amin ay kaagad na silang lumapit para makiusyoso.

"P-Paanong nangyari 'yon? Kung totoo 'yang sinasabi mo, bakit... bakit noong unang pagkikita niyo..." I trailed off. Naguguluhan ako na hindi ko alam kung anong mga salita at pangalan ang gagamitin ko at kung paano ko ipapaliwanag ang side ko.

"B-Bakit nagawang magkamayan nina Master Thirdy at Juno no'ng unang pagkikita nila?" I asked.

Binigkas ko ang mga pangalan nila kahit pa nasa harap ko lang naman sila. Hindi ko alam. Gulong-gulo ako... Nahihirapan akong intindihin ang lahat.

"How can you both exist at the same time and at the same place without being caught?!" I continued. Tinaasan ko na ang boses ko no'n.

Napahawak tuloy sa mga balikat ko si Ate Honey para pakalmahin ako. "Una..."

"Sumagot ka!" I shouted.

"Ipapaliwanag ko-" Captain Sven stopped talking and in his track when Master Third- Juno raised his hand to stop him from coming towards us.

"Ako na," aniya't mariin akong tiningnan.

"I've inherited Vladimir's mimicking ability. Kaya agad kong hinanap si Sverino dahil matutulungan niya ako rito. The Thirdy who shook hands with me that time was my clone. That is also the reason why I can be Thirdy and Juno at the same time and at the same place," he explained.

"So... that explains why you were able to teleport Sverino in my studio that night. It was because I made contact with you! Nakipagkamay ako sa'yo no'n dahil ikaw ang partner ni Gomez!" Master Ocho blurt out his realization.

"I didn't just mimic yours and the other's ability when we made contact. I get a part of it so that I can use it whenever I want to," kalmadong paliwanag niya.

Master Ocho smirked. "So totoo nga ang balita. You are really that powerful."

Biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari noon. Tanda kong nagmamadali siya no'n nang nasa UP si Madame Latakia. Panay ang hila niya sa akin. The shock in her eyes registered once again in my mind when she saw Juno. Her words that I really don't know anything only reinforced the truth. Lagi rin siyang missing-in-action simula nang dumating dito si Master Thirdy. He said he has a job yet he didn't specify that this was his job. Gulat akong napatitig ulit sa nasa harapan ko. Siya nga si... Master Thirdy.

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon