Check-In 29: Peter Pan

1K 133 21
                                    

Check-In 29: Peter Pan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Check-In 29: Peter Pan

NEWLYWEDS NORMALLY DO honeymoons after the ceremony, but that wasn't the case for me and Mythos. Hindi rin naman normal ang kasal at setup namin. Bahala siya sa buhay niya.

"Una, ano ba?!" naiinis niyang reklamo habang sinisipa ko ang puwet niya palayo sa akin.

Bumangon ako paupo sa pwesto ko sa kama naming dalawa. "Lumalampas ka na sa border, oh!" paliwanag ko sabay pakita sa kanya no'ng ginawa kong imaginary line sa pagitan namin.

"Oh, heto na, heto na," sagot naman niya at pinuno ng unan iyong pagitan namin.

"Good!"

Pagkatapos no'n ay saka pa lamang ako nahiga ulit at pumayapa.

"Una," tawag niya pa mula sa kabila.

"Hmm..."

"Masaya ka ba?" mahinahon niyang tanong.

"Sa kasal? Ngayon? Oo naman," matapat ko namang sagot.

"Alright," simpleng sabi niya lang pero nahihimigan ko ng ngiti ang boses niya.

Lilingunin ko sana siya para tingnan ang ekspresyon niya nang bahagya siyang bumangon at lumampas sa harang para abutin ang noo ko at halikan.

"Good night," he greeted smilingly before laying back into his place.

Ipinikit niya ang mga mata para matulog pero nanatili pa rin iyong ngiti niya sa labi. Unti-unti rin tuloy akong napangiti habang pinagmamasdan siya.

"Good night," I greeted back before finally deciding to sleep.

Pagising ko kinabukasan ay wala na si Mythos do'n sa parte niya ng kama. Kinusot ko ang mga mata habang unti-unting bumabangon.

"Good morning, Mrs. Grimm," nakangising bati sa akin ni Captain Sven na hawak-hawak pa ang mug ng kape niya.

Pekeng ngitian ko naman siya at binalingan si Mythos na nagtitimpla ng kape sa dalawang tasa. Pagkatapos niya ay lumapit naman siya sa akin at ibinigay iyong isa bago siya sumimsim din sa kanya.

"Wild ba, kuya?" nang-aasar na tanong ni Captain Sven sa kapatid.

"Sobrang wild."

Sa halip na si Captain Sven na nagbukas ng topic na 'yon ang balingan ko nang masama ay si Mythos ang pinukol ko nang mga matatalim na tingin ko. May pangisi-ngisi pa kasi siya siya habang sumasagot no'n. Malilintikan 'to sa akin mamaya.

"Sa sobrang wild, laging nagwawala kapag lumalampas lang nang kaonti 'yong puwet ko sa pwesto niya," pagpapatuloy naman niyang inismiran ko na lang.

Sumimsim na lang din ako sa kapeng tininmpla niya. Ewan ko ba at ang sama ng gising ko ngayon. Ang totoo niyan ay hindi talaga ako nakatulog. Para akong na-paranoid sa unang gabi namin ni Mythos bilang mag-asawa. Doon pa lang kasi nagsink sa akin ang lahat na ang bilis ng mga pangyayari at ang weird ng setup namin. I couldn't help but ask myself that night if I'm really mentally, physically, and spiritually ready for this one. Kaso ay tapos na, e. Nandito na kami, ito na 'yong sitwasyon namin. Hindi na ako pwede pang magback-out.

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon