Check-In 03: Welcome to Hotel Grimm

1.9K 162 22
                                    

Check-In 03: Welcome to Hotel Grimm

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Check-In 03: Welcome to Hotel Grimm

NASA ISANG HINDI pangkaraniwang lugar ako na may mga hindi rin pangkaraniwang nilalang.

May manghuhulang tatlo ang mga mata. May nagtitinda ng mga itak na may anim na mga braso't kamay at may mamang sorbetero na may walong paa. Gusto ko nga sanang bumili kaso naalala ko biglang my life is sad and very poor pala.

Anong gagawin ko?

Saan ako pupunta?

Ewan ko basta susundan ko na lang si Count Vladimir.

My steps halted when I realized something.

What if he's a bad guy?

What if nangingidnap siya ng mga batang pretty gaya ko?

Huminto ang isang mahabang itim na sasakyan sa tapat niya. Wow, limo!

Bumukas ang pinto ng driver seat at nagulat ako nang lumabas doon ang lumulutang na eyeglasses. Huwag mong sabihing siya ang nagmaneho nito... Sus, Ginoo!

Tatalikod na sana ako at aalis nang marinig kong nagsalita iyong salamin.

"Count Vlad, kanina pa po kayo sinusundan n'ong bata."

"Sinong bata?"

Batid kong lilingon si Count Vladimir sa banda ko kaya maagap akong pumihit paharap at lumuhod sa tapat niya agad. I even clasped my hands to really make myself look pitiful while begging. Desperada na talaga akong mabuhay.

"Parang awa niyo na po. Kailangang-kailangan ko po ng matutuluyan at makakain. Promise po, pagtatrabahuan ko 'yon... Kahit ano..." lumiit pa ang boses ko sa huling sinabi. Hindi ako sure masyado, e. Baka kainin ko lang din lahat ng binitawan ko kapag ka nandoon na kami.

"Tamang-tama, boss! Kailangan ni Lulu at ng mga leprechaun ng kasama sa valet at sa housekeeping department," sabi n'ong salamin.

Napabaling ako sa kanya. Gusto ko sanang tumango kaso ang awkward kaya napakurap na lang ako ng tatlong beses.

Feeling ko nababaliw na ako.

Totoo ba talaga lahat ng 'to?

Kinurot ko ang kamay kong magkasalikop parin. Shems, masakit! Totoo nga!

"Hindi ko po alam kung anong klaseng lugar 'to at kung anong klaseng mga nilalang ang nandito. Lalong hindi ko rin po alam kung saan ako pupunta..." dagdag ko pa.

Nakatitig parin sa akin si Count Vlad.

Nakaluhod na humakbang ako palapit at mas nagmakaawa pa. "Gutom na po talaga ako... Ayoko rin pong magnakaw at baka litsunin nila ako bilang parusa. Mukha pa naman po silang nangangain ng batang hamog."

I was starting to lose hope because Count Vlad remained serious. I sighed and was ready to give up and was almost standing when he let out a hearty chuckle.

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon