Prologue

3.1K 185 38
                                    

Prologue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prologue

Trigger warning: violence and abuse; reader's discretion is advised

"O MY JESUS, forgive us our sins, save us from the fires of hell, and lead all souls to heaven, especially those who have most need of Your mercy."

"Wag kang titigil!"

Isa... dalawa... tatlong hampas ng latigong hawak niya ang dumapo sa likuran ko.

"O my Jesus, forgive us our sins, save us from the fires of hell, and lead all souls to heaven, especially those who have most need of Your mercy."

Apat... lima... anim pang hagupit ang ipinaranas niya sa akin.

"O my Jesus, forgive us our sins, save us from the fires of hell, and lead all souls to heaven, especially those who have most need of Your mercy."

Hindi ko na mabilang ang ilan pang sumunod. Nanghihina na ako, nauuhaw, napapagod, nagugutom. Kumikirot na rin ang tuhod kong nakaluhod at ramdam na ramdam ko na ang pagdaloy ng kung anong likido sa likuran ko.

"O my Jesu-" Tuluyan nang bumigay ang katawan ko sa malamig na sahig nang madilim na kwartong kinaroroonan ko.

Pilit kong binuksan ang bumibigat ko ng mga talukap nang hilahin niya ang buhok ko upang iangat ang tingin ko sa krus na may katawan ni Kristo.

"Humingi ka ng tawad sa Kanya dahil makasalanan ka, Vaniellope. Humingi ka ng tawad hanggang sa umalis na sa katawan mo ang demonyo."

Pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. What did I do so wrong to deserve all these?

Sa bawat araw na nagdaan, wala akong ibang naramdaman kundi sakit at pighati sa kamay ng sarili kong ina. Lagi niyang pinagpipilitang may demonyo sa katawan ko at ito ang gusto ng Diyos sa mga katulad ko. Siya ang nagbibigay ng parusa sa akin na nakaayon daw sa kagustuhan ng Diyos.

I was born of a normal birth and everything in my life back then was all about happiness and joy. But when I got 13, I cannot forget how everything changed. The moment my mother discovered what I can do, her smiling face turned into a grimace, her bright eyes became hazy, her understanding mind went clouded, and cruelty replaced her once loving heart.

It wasn't that long when my happiness transformed into sorrow and my joy shifted into a series of torture. She deprived me of everything a child like me deserves. Now that I am 15, I am tired, hopeless, exhausted, and wounded. I need mercy...

Nang magising ako ay kaagad kong naramdaman ang kirot sa aking likuran. May naririnig akong nagsisigawan sa labas. Kahit na masakit at mabigat ang aking katawan ay pinilit kong gumapang palapit sa maliit na siwang ng pinto kung saan may liwanag. Pinakinggan ko sila at nagdasal na sana sa pagkakataong ito ay matigil na ang lahat ng ito.

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon