Chapter 25

205 10 0
                                    

Chapter 25
Autumn Sison

Dahan-dahan kong kinuha ang hoodie jacket ng roommate ko saka isinuot, isinuot ko rin pati hood. Dinampot ko ang tubig at biscuit sa kama ko saka maingat na lumabas ng kwarto. Napabuga ako ng hangin. Kailangan ko ba talagang gawin 'to gabi gabi? E kung hayaan ko nalang kaya si Hurricane at kalimutan ang konsensya ko?

Sumimangot ako. Bakit kasi hindi ako makatulog? Lumabas ako ng dorm. Dahan-dahan, maingat at tahimik. Kapag may nakakita sakin patay ako.

Tumingala ako nang makalabas ako ng dorm. Mukhang uulan pa yata, walang mga bituin e. Anak ng pating!

Lakad-takbo kong tinungo ang field. Mas lalo akong sinalakay ng konsensya nang makita doon si Hurricane. Isang buong araw palang ang lumipas at pangalawang araw palang parusa nya bukas. Makatagal kaya sya? Naku naman talaga!

Dali-dali ko syang nilapitan. Mukhang naramdaman naman nya ang paglapit ko dahil gumalaw sya ng kaonti.

Gamit ang hintuturo ko ay sinundot ko ang balikat nya. “Hurricane.”

Gumalaw-galaw ang ulo nya at dahan-dahan akong titingnan. Nangunot kaagad ang noo nya, “W-What the hell a-are you doing here?”

Psh! Arte naman nito! Alam ko namang nagugutom at nauuhaw na sya pero nagsusungit pa rin.

Itinaas ko ang plastik na dala ko. “Kumain ka muna.”

Umiling siya at tumingin sa paligid. “Go, Autumn! M-Mapapahamak ka sa ginagawa mo!”

Umismid ako. “E kumain ka na kasi nang makabalik na ko sa dorm!”

“Tsk!”

Umirap ako. Ang sungit pa e!

Isinabit ko sa braso ko ang plastik. Kinuha ko ang biscuit saka binuksan. Sinubuan ko sya ng isang tinapay.

“Ahrmm! Hmm hmm!”

Nangunot ang noo ko. “Ano?”

Tumalim ang tingin nya sakin at ginalaw galaw ang tinapay sa bibig nya. Napakamot ako ng pisngi saka kinuha ang tinapay. Kinagatan nya lang 'yon.

Ngumuya sya saka nagsalita, “Bat mo binitawan?”

“Hindi ba pwedeng ikaw ang magpakain sa sarili mo?”

“Tsk! Boba! Nakatali ako!”

Ngali-ngali ko syang tadyakan. Anak ng! Pambihira 'tong taong 'to! Sya na nga pinapakain sya pa 'tong grabe kung manlait!

“Ahh!” ngumanga sya kaya isinupalpal ko ang kapirasong tinapay. Inirapan nya ako saka ngumuya.

“Water.”

Inis na kinuha ko ang tubig at binuksan. Itinapat ko 'yon sa bibig nya pero nakatitig lang sya sakin. “What?” iritadong tanong ko.

“Wala bang straw? Mababasa ako nyan e.”

Sarkastiko akong tumawa. “Wow ha! Ayaw mo pang mabasa sa lagay na 'yan e natuyo na nga sa damit mo ang dugo mo!”

“Tsk!” inirapan nya ako.

“Lapit mo.” ininguso nya ang tubig na hawak ko. Bumuga ako ng hangin saka sya pinainom. Panay ang baba ng katawan nya habang nakatingala kaya nangunot ang noo ko. Anong ginagawa nya?

“Anong ginagawa mo, Hurricane?”

Tiningnan nya ako ng masama. “Hindi ako makainom! Ayusin mo kasi!”

Ibinaba ko ang kamay ko. Sinamaan ko sya ng tingin. “Wag ka na ngang uminom!”

Pinandilatan nya ko ng mata. “Nahihibang ka na ba? Pinakain mo ko tapos hindi mo ko paiinumin?”

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now