Last Chapter

342 9 2
                                    

Hurricane Grande-Sivan

8 years later...

IPINASOK ko sa bulsa ng pantalon ko ang dalawang kamay ko nang makababa ako mula sa kotse. Pinagmasdan ko ang malawak na rancho na siyang una kong makikita pagpasok ko sa Hacienda Grande. Sa malawak na lupain na ipinamana sa akin ng pumanaw kong lolo't-lola ay sisimulan ko ulit mamuhay ng tahimik at mag-isa.

Lumunok ako nang maramdaman ang malaking pagkukulang sa puso ko. When I left eight years ago, iniwan ko rin ang puso ko sa babaeng mahal ko. My homo...

“Senyorito!”

Napalingon ako sa gilid ko. I nodded at manang Hilda. Ang mayordoma sa mansion. Kasama niya si manong Erik na siyang caretaker sa Hacienda Grande.

“Naku, senyorito. Hindi mo naman sinabing pauwi ka ngayon. Kami tuloy ang nasurpresa ngayong kaarawan mo.”

Hindi ako nagsalita. Nagsimula akong maglakad habang panay ang pagkukwento sa akin ni manong Erik tungkol sa mga nangyari dito sa Hacienda.

“Maganda ang ani ng mga pananim natin, senyorito, lalong-lalo na ang mga mais at palay.”

Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakikinig. I don't have the energy to utter a word.

“Happy birthday nga pala, senyorito. Magpapaluto ako kay Hilda para selebrasyon.”

Agad akong umiling. “Don't. Gusto kong magpahinga ngayong araw.”

Hindi na siya nakapagsalita nang iwan ko siya sa ground floor ng mansion. Umakyat ako sa itaas at dumiretso sa kwarto ko. Mabuti nalang at palaging naglilinis ang mga maid kahit sila lang ang tao dito sa mansion.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Tumitig ako sa kisame at napabuntong-hininga. Just how the fuck can I live a normal life just like what lolo wants when I don't even know if I'm still normal?

ISANG linggo matapos kong umuwi sia Hacienda Grande ay napagpasyahan kong lumuwas para bisitahin si Troy. This is the first time that I will visit him. Hiningi ko lang kay Aries ang lugar kung saan siya nakalibing.

Bitbit ang kandila at bulaklak ay naupo ako sa harapan ng puntod ni Troy. Natawa ako nang mabasa ko ang pangalan niya. Troy Mariano Jr.

Inaasar ko pa siyang Junjun noon dahil sa pangalan niya. Pinagkatiwalaan niya ako at itinuring na matalik na kaibigan tapos ito pa ang iginanti ko.

Yumuko ako matapos kong sindihan ang kandila. Bumuntong-hininga ako at yumuko.

“I-I'm sorry...” hindi napigilang bulong ko. “H-Hindi ko sinasadya, Troy. M-Mahal na mahal k-ko kasi siya. Alam kong walang k-kapatawaran ang ginawa k-ko pero hihingi pa rin ako ng tawad. Patawad, Troy.”

Pinigilan ko ang pag-iyak. Tangina. Siguradong pinagtatawanan niya ako ngayon dahil sa pag-iyak ko.

Lumunok ako saka agad na tumayo. Hindi ko kayang magtagal dito. Bukod sa nahihiya ako kay Troy ay natatakot akong makita ako ng kakilala ko, lalong-lalo na ni Autumn. Hindi ko pa kayang humarap sa kaniya at ayokong magpakita sa kaniya dahil masasaktan lang siya kapag nakita niya ang mukha ko. She will probably throw a fit kapag nalaman niyang may kapal pa ako ng mukha para puntahan si Troy.

Ikinuyom ko ang kamao ko. Nagseselos pa rin ako kay Troy. Sobra-sobra akong nagseselos dahil minahal siya ni Autumn, pinakasalan pa. Nakakainggit.

Nagsimula akong maglakad palabas ng sementeryo. Mabagal ang ginagawa kong paglalakad dahil nanghihina ako. Nakayuko rin ako kaya hindi ko nakikita ang dinadaanan ko hanggang sa mabunggo ako ng tumatakbong bata. Dahil nanghihina ako ay napaupo ako. Napasubsob sa akin ang batang lalaki.

Napakurap-kurap ako nang mag-angat ito ng mukha at tinitigan ako. Lumunok ako at napigil ang paghinga ko. Lalaki siya at bata pa pero hindi maitatago ang pamilyar na pagkakahawig niya sa isang taong kilalang-kilala ko.

“T-Troy...” hindi napigilang bulong ko.

Bumakas ang pagtataka sa mukha niya. “Kilala mo ako?”

Nahigit ko ang hininga ko. Damn!

“Third, jusko ka talagang bata ka! Manang-mana ka sa tatay mo! Nakabunggo ka pa ng tao. Pasensya na, sir ha, napakakulit kasi ng batang 'to parang kiti-kiti.”

Nanigas ako sa pwesto ko. Gusto kong mag-angat ng mukha pero hindi ko magawa dahil wala akong lakas ng loob. Pinanatili ko ang pagkakayuko ng ulo ko at pinilit na tumayo kahit na nanghihina ako. Agad akong tumalikod at naglakad palayo kahit malakas ang pintig ng puso ko.

Putangina! M-May anak na si Autumn. My homo... Alam ko, kahit hindi ko nakita ang mukha niya, alam kong siya 'yon. Patunay ang malakas na pintig ng puso ko kahit boses palang niya ang narinig ko. Ang swerte-swerte ni Troy.

Ibinagsak ko ang pinto ng kotse nang makapasok ako. Isinubsob ko ang mukha ko sa manibela at doon napaiyak nang hindi ko namamalayan.

Tangina naman talaga, Autumn! Mahal pa rin kita!

*** AUTUMN SISON's Point of View

MATAPOS kong iuwi si Third sa bahay ay dumiretso ako sa opisina. Habang nagmamaneho ako ay hindi pa rin naaalis sa isipan ko 'yung lalaking nabunggo ni Third. Nakakapagtaka lang kasi na hindi manlang niya ako tiningnan. Nakatungo lang siya at nang tumayo ay mabilis na tumalikod at naglakad palayo.

Pamilyar ang lakad niya, pati likod niya ay pamilyar sa akin. Hindi ko lang maalala kung sino dahil blonde ang buhok niya at nakasuit siya.

Ipinilig ko ang ulo ko. Nang makarating ako sa office ay agad akong sinalubong ng mga empleyado ko. Aalis kami ngayon para sa team building na nakasanayan na naming gawin taon-taon. Binisita lang namin ni Third si Troy bago ako pumunta dito.

“Ma'am, bakit may dala kayong kotse? Usapan natin ay magbubus tayong lahat.”

Nginitian ko si Ria. “Iiwan ko ang kotse ko.”

Naghanda kaming lahat. Nang dumating ang inarkila naming bus ay agad kaming sumakay. Bitbit ang travel bag ko ay naupo ako sa unahang parte. Isang linggo ang usapan namin at pumayag naman si Spring na siya muna ang mamahala sa kompanya habang wala kami. Piling empleyado lang ang kasama ko, kaming halos mga wala lang gawa.

“Masayang bakasyon 'to!!!” sigaw ng isa sa amin. Napangiti ako at lumingon sa kanila. “Saan nga ba tayo?”

“Sa isang Hacienda, ma'am. Naku napaganda ng lugar na 'yon. Nakita ko sa google!”

Tumango-tango ako. “Anong pangalan ng hacienda?”

“Hacienda Grande. Oh, diba? Pangalan pa lang bonggang-bongga na. Pagmamay-ari raw 'yon ng mag-asawang milyonaryo na ngayon ay ipinamana na sa apo nila. Balita ko galing daw US 'yung guy. For sure pogi 'yon.”

Napailing nalang ako at ipinikit ang mga mata ko. Pinaglaruan ko ang singsing sa daliri ko. Wala nang mas popogi pa kay Troy para sa 'kin.

THE END...

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now