Chapter 1

687 21 0
                                    

Chapter 1
Autumn Sison

“AUTUMN SISON!”

Bumalikwas ako ng bangon matapos dumagundong ng napakalakas na sigaw na ‘yon. Hinilot ko ang sumasakit kong sintido saka tiningnan si dad na galit na galit na nakatayo sa paanan ng kama ko.

“Dad! Ang aga-aga, sumisigaw ka diyan”

“MAAGA? ALAS SAIS NA NG GABI, AUTUMN. ANONG ORAS KA NA NGA UMUWI? ALAS TRES NG UMAGA? BABAE KA BA TALAGA HA, AUTUMN? SAWANG-SAWA NA KO SA KATIGASAN NG ULO MO!”

Napangiwi ako. Ang lapit-lapit namin sa isa’t-isa pero kung makasigaw sya para nasa kabilang barangay ako.

Uh! Six pm na pala. Ang bilis naman. Maghapon pala akong tulog kung ganon.

Sinimangutan ko si dad saka tumayo at pumasok sa banyo ng kwarto ko. Narinig ko ang pagsunod nya sakin pero hindi ko sya pinansin, kinuha ko lang ang tootbrush ko, naglagay ng toothpaste at pokerface na nagsipilyo sa harap ng salamin.

“HINDI KA NA BA TALAGA TITINO, AUTUMN SISON? ILANG BESES BA KITANG DAPAT NA PANGARALAN PARA LUMAMBOT ‘YANG MATIGAS MONG ULO? AGRVSISNDLEMXBDIENDKXOXM”

Sa totoo lang, hindi ko na naiintindihan ang sinasabi nya. Nakikita ko ang pagbuka ng bunganga nya at paglaki ng butas ng ilong sa galit pero wala akong naiintindihan.

Naalala ko ang nangyari kagabi. Naglasing ako kasama ang mga taong hindi ko kilala. They even invited me na pumasok sa University na pinapasukan nila. Parang naeexcite tuloy ako. Sa paraan ng pagdedescribe nila sa University nila kagabi ay parang masaya sa lugar na ‘yon.

Hmm! Transfer kaya ako don? Wala namang kwenta ang pinag-aaralan ko sa university na pinapasukan ko e. Ang boring pa ng course ko, tourism, psh. Si dad ang may gusto ng course na ‘yon at dahil wala naman akong pakialam sa lahat e sinunod ko nalang sya. Hehe. Iyon ang una at huling beses na sinunod ko sya ^__^

“AFGHBXTSJNS NAGDESISYON NA KAMI NG MOMMY MO. IUUWI NYA DITO SI SUMMER AT WINTER AT IKAW ANG DADALHIN NYA DOON”

O____O

*cough cough cough*

Nalunok ko yata ‘yong bula ng toothpaste. Ack! Kadiri!

Dali-dali akong nagmumog at pilit na iniluwa ang nalunok kong bula. Aish!

Inis na nilingon ko si dad na matalim pa rin ang tingin sakin. “What the hell, dad?!”

“Yes, Autumn, what the hell and not even hell can change my mind!” matigas na saad nya saka ako tinalikuran.

Marahas akong bumuga ng hangin saka muling nagmumog. Bwiset! Ang pangit sa lalamunan, ack!

Pagkatapos kong magmumog ay hinablot ko ang maliit na towel na nakasabit sa gilid ng pinto ng cr at dali-daling lumabas para sundan si dad.

Nakita ko syang kausap si Spring. Ang kakambal kong daddy’ girl. Psh

“Kailangan mo ba talagang gawin ‘yon, dad? You know Autumn, hindi sya susunod sayo at mas lalo lang syang magrerebelde kapag pinilit mo syang ilayo rito” rinig kong sabi ni Spring. Hinilot ni dad ang sintido nya saka nameywang na parang frustrated na frustrated sa buhay. Psh.

“Spring, hindi ko na kaya ang ugali ng kapatid mo. Baka sa kunsumisyon pa ako mamatay”

Ngumuso ako. Bakit ba kasi hindi nalang nya ko pabayaan gaya ng sabi ni Spring? Hindi ko naman sinisira ang buhay ko ah. Maayos nga ang pag-aaral ko e. Tsk.

“Bantayan mo ang kapatid mo, baka tumakas nanaman ‘yon. Doon ka matulog sa kwarto nya, tabihan mo, yakapin kung kailangan”

Ngumiwi ako sa sinabi ni dad.

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon