Chapter 29

182 9 0
                                    

Chapter 29
Autumn Sison

GULAT KONG TINAKPAN ng kumot ang katawan ko nang bumukas nanaman ang pinto. Sobra-sobrang galit ang nararamdaman ko na napaiyak pa ako. Handa na akong pagmumurahin si Hurricane pero natigilan ako dahil hindi sya ang pumasok.

Napatitig ako kay Aries na nakatingin sa akin. Pinasadahan nya ako ng tingin at nakita kong tumigil ang paningin nya sa leeg ko.

Leeg ko? Agad ko itong kinapa.

Nilingon ni Aries ang mga kasama nya. “The deceased Autumn Villega attacked Miss Tarozz and tried to violate her. Write it in the log book.”

Umawang ang labi ko nang tumalikod si Aries at parang walang nangyari na lumabas ng kwarto matapos nyang sabihin 'yon sa kasama nya.

Marahan kong hinaplos ang leeg ko saka mabilis na pumulot ng isang piraso ng bubog mula sa nabasag na bintana at tiningnan ang leeg ko. Kiss marks! Fuck! Nilagyan ako ni Hurricane ng kiss marks para palabasin na pinagtangkaan ako ng tomboy na roommate ko at maligtas ako sa kaparusahan dahil sa pagkamatay nito.

Napakurap-kurap ako. Iniligtas ako ni Hurricane...pero tinakot nya pa rin ako. Pwede naman kasi nyang sabihin na 'yon pala ang plano nya e. Bakit kailangan nya akong biglain!

-

Nagpalit ako ng damit at lumabas ng kwarto. Mabagal ang lakad na dumiretso ako sa tapat ng kwatro ni Hurricane. Kumatok ako ng maraming beses at sunod-sunod. Tumingin ako sa paligid. Walang ibang tao dahil hatinggabi na. Mabuti naman para walang maghinala sa pagpunta ko dito.

Nang bumukas ang pinto ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Hurricane.

Agad nangunot ang noo nya. “What are you doing here?” sumilip sya sa magkabilang gilid ng hallway saka ako hinila papasok sa kwarto nya.

Isinara nya ang pinto saka ako hinarap. “What are you doing here, Autumn?”

I pressed my lips together. “Uhm...pumunta sa kwarto ko kanina si Aries at nakita nya ang k-kiss marks na iniwan mo sakin tapos hindi na nya ako tinanong tungkol sa nangyari.”

Tumango sya. “Okay. Go back to your room.”

Umiling ako. “Ayoko. Wala na akong ibang mapagkakatiwalaan dito bukod sayo.”

He looked at me and laughed sarcastically. “Magtitiwala ka sakin? Alam mong pinaglalaruan lang kita para patayin sa huli.”

Bumuntong-hininga ako. “Alam ko, pero atleast, alam ko ang pakay mo sakin. Hindi katulad ng iba...ng roommate ko na binalak akong patayin sa pagtulog ko.”

Hindi sya nagsalita. Humakbang sya palapit sa akin kaya awtomatiko akong napaatras hanggang sa mapasandal ako sa nakasaradong pinto.

“H-Hurricane...” pigil-hiningang tawag ko sa pangalan nya nang ilagay nya ang isang braso nya sa gilid ng ulo ko at ang isa nyang kamay ay nasa leeg at panga ko.

Mataman syang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko mabasa ang emosyong naglalaro sa mga mata nya dahil napakarami n'yon.

“You should've think thrice before knocking on my door. I was actually dreaming of touching you tonight after seeing your lovely body. You just added fuel to the fire, baby...”

Napasinghap ako sa pangahas na salita nya. Nanlaki ang mga mata ko. “Pinagnanasaan mo ako?!”

He smirked saka unti-unting bumaba ang paningin nya sa leeg ko. Maagap ko namang iniharang ang mga braso ko sa dibdib ko saka sya tiningnan ng matalim. “Subukan mo 'kong hawakan, masasaktan ka!”

Mahina syang tumawa at inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Nagulat ako at umigkas ang tuhod pero nasalo nya 'yon gamit ang kamay nyang nanggaling sa gilid ng ulo ko.

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now