Chapter 21

231 13 4
                                    

Chapter 21
Autumn Sison

Hindi ako makapagsalita habang nakatayo sa harapan ni Profan. Matalim ang tingin niya sakin habang sa likod niya ay nakatayo si Aries. Hindi ko gusto ang tingin ng Profan na 'to sakin. Parang gusto niya akong ilibing ng buhay.

“Pinatawag kita, hindi ka dumating.” panimula ni Profan saka naglakad palapit sakin. Napalunok ako ng ikutan niya ako saka tumigil sa mismong harap ko.

“Anong ipinagmamalaki mo?”

Umiling ako. Gusto kong sumagot pero parang nawala ang boses ko. Leche!

“Si Sivan? Akala mo ba inililigtas ka niya dahil interesado siya sayo? Let me tell you this, miss Tarozz, inililigtas ka niya mula sakin dahil gusto niyang siya ang papatay sayo pagdating ng Devils Night.”

Napakurap-kurap ako. Devils Night? Ano 'yon?

Napatingin ako sa masungit na student council president nang maglakad siya palapit sakin. Lumayo naman si Profan at naupo sa mismong mesa.

“First offense, you tress passed. Second offense, you ignored your punishment. Third offense, you disrespect a professor. Fourth offense, you didn't pay for your food. At ang pinakamalala, hindi mo pinansin ang pagpapatawag sayo ng disciplinary officer.” saka niya nilingon si Profan. Napalunok ako.

What now?

Suminghap ako at mabilis na umilag nang batuhin ako ni Profan ng ballpen. Mabilis akong lumingon sa likod. Hayon at nakatusok sa nakasaradong pinto. Bumilis ang paghinga ko at muling tiningnan si Profan. Para siyang demonyong nakangisi habang nakaupo at nakatingin sakin.

Gusto kong tumakbo palayo pero parang napako ako sa kinatatayuan ko. Ewan. Nakakatakot siya.

“You know what, miss Tarozz, hanga ako sa tapang mo..” tumayo siya at namulsa. “You are so dauntless, katulad ni Danger and i like it. I like your attitude.”

Ikinuyom ko ang mga kamao ko. I hate being compared.

Nagtaas ako ng noo. “Hindi ko ho gusto ang sinasabi niyo.”

Sarkastiko siyang tumawa. “As expected. Professional killers doesn't want to be compared.”

Suminghap ako. Nakaramdam ng pagkairita. How dare him! Hindi ako magiging killer na katulad niya at katulad ng Danger na 'yon. Wala akong pakialam sa mga demonyong tulad nila.

“Listen, miss Tarozz, i will let you pass until the Devil's Night. That night, i will be washing my hands with your blood.”

Hindi ko nakita ang sarili kong reaksyon pero siguradong namutla ako sa takot. Damn it! Anong gagawin ko ngayon? Mukhang hindi talaga ako sasantuhin ng Profan na 'to.

Lumunok ako nang maglakad siya palapit sakin. Tumigil siya sa mismong harapan ko at napigil ko ang paghinga ko nang itapat niya ang bibig niya sa tainga ko saka bumulong. “I will be the one who'll kill you.”

-

Paulit-ulit kong inuuntog ang ulo ko sa kama. Nandito ako sa dorm, nag-iisa ako dahil nasa klase pa yata ang roommate ko. Umupo ako sa ibabaw ng kama at ngumuso. Hindi ko makalimutan ang sinabi ni Profan, ang yabang-yabang ng bitamina na 'yon. Mag-expired na sana sya!

Tumingala ako. Ang boring! Habang nakaindian seat ay ibinagsak ko sa likod ko sa kama. Paulit-ulit ko 'yong ginawa hanggang sa mapatalon ako nang makarinig ako ng malakas na pagsabog

Nanlaki ang mga mata ko at agad na sumilip sa bintana. Napasinghap ako ng matanaw ang makapal na usok at alikabok.

What the hell was that? Tumaas ang kilay ko nang makita ang isang lalaking estudante na tumatakbo. Nakahoodie siya pero base sa tindig niya ay lalaki siya. Pilit kong inaninag ang mukha niya habang tumatakbo siya papunta sa likuran ng dorm. Sino kaya 'yon?

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now