Chapter 35

160 6 0
                                    

Chapter 35
Autumn Sison

HINDI AKO makatulog sa tabi ni Hurricane na hawak ang kamay ko kaya dahan-dahan akong bumangon. Marahan ko ring inalis ang kamay niya sa akin, puno na pag-iingat, iniiwasang magising siya.

Bumangon ako at napatingin sa damit ko. Ito ang damit na binili ni Hurricane noon para sa 'kin. Naappreciate ko ang mga ginawa niya para sa 'kin. Sa mga oras na inililigtas niya ako at ang tapang niya at katangahan sa tuwing ipinapahamak niya ang sarili niya para sa 'kin pero anong magagawa ko kung hindi siya ang gusto ng puso ko.

Nakapag-isip-isip na ako. Sasabihin ko kay Hurricane na may iba na akong nagugustuhan. Na nagugustuhan ko na si Troy. Alam kong masasaktan siya at kahit ngayon nga ay nasasaktan ko siya. Patunay ang pagluha niya habang iniisip niya na may iba akong lalaki.

Hindi pa rin ako makapaniwala na iniyakan ako ng isang bad boy. Ng isang lalaking walang pakundangan ang bunganga. Ng isang basagulero pero sadyang mahiwaga yata ang pag-ibig, dahil kahit ako ay nahulog sa taong hindi ko inaasahang magugustuhan ko.

Tumingin ako sa paligid at bumuntong-hininga ako nang makita ang nagkalat na mga gamit sa kwarto.

Tiningnan ko si Hurricane, nang masigurong tulog na tulog siya ay lumabas ako ng kwarto niya at tamang-tama naman na biglang lumabas mula sa kabilang kwarto si Troy na bigla akong hinila at dinala sa kung saan.

Hindi ako nagpumiglas. Hinayaan ko siyang hilahin ako hanggang sa makarating kami sa rooftop. Nang makapasok kami at maisara niya ang pinto ay walang seremonyas niyang nilamukos ng halik ang mga labi ko. Hindi ako kumontra, sa halip ay iniyakap ko ang braso ko sa batok niya saka siya ginantihan ng halik.

Para siyang uhaw at gutom habang halos kainin na niya ang mga labi ko. Sobrang mapusok at malalim ang halik na iginagawad niya sa akin kaya halos maubusan ako ng hangin.

Kapuwa kami hinihingal nang maghiwalay ang mga labi namin.

Pinagdikit niya ang noo naming dalawa habang nagkatitigan kami. Lumunok siya at muli akong hinalikan ng mabilis. “Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko, Autumn. Kasalanan mo 'to e. Nagagawa ko naman kasing pigilan noon kaso binigyan mo ako ng malaking dahilan para pakawalan ang damdamin ko.”

Unti-unti akong napangiti saka mas inilapit ang sarili ko sa kaniya. Ako na mismo ang humalik sa mga labi niya habang napapaatras siya dahil sa ginagawa kong pagkagat-kagat sa labi niya.

Ngumisi ako nang maghiwalay muli ang mga labi namin. “Mabuti naman at hindi ka na duwag. Akala ko tinikman mo lang ako e.”

Sumimangot siya. “Hindi naman ako fuckboy! Grabe ka sa 'kin!”

Akmang sasagot pa ako nang biglang bumukas ng pabalya ang pinto. Napatayo ako sa tabi ni Troy at nanigas sa kinatatayuan ko nang tumambad sa akin ang walang emosyong mukha ni Hurricane. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Troy.

Biglang hinawakan ni Troy ang kamay ko at bumaba ang tingin ni Hurricane dito.

Napalunok ako. Ramdam ko ang galit niya pero wala nang atrasan ko.

Hinawakan ko rin ang kamay ni Troy.

“Kayo?” sarkastikong tanong ni Hurricane habang marahas na bumubuga ng hangin.

Tiningnan niya si Troy. “Tinraydor mo 'ko.”

“Hindi, Hurricane. May nararamdaman ako para kay Troy, may nararamdaman kami para sa isa't-isa, at hindi pagtatraydor 'yon.” sabat ko.

Hindi nagsalita si Hurricane, sa halip ay kinuha niya ang sirang upuan sa gilid at akmang ihahampas kay Troy nang humarang ako. Natigilan siya.

Matalim ko siyang tinitigan. “Subukan mo siyang saktan, habang buhay kitang kamumuhian.”

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon