Chapter 6

344 15 4
                                    

Chapter 6
Autumn Sison

“Ang gwapo nga, sira naman ang pag-iisip. Tsk tsk. Sayang!” nanghihinayang na bulong ko saka tuluyang lumabas ng silid.

“Ay kalabaw!”

Napaigtad at suminghap ako nang may humila sakin pabalik sa kwartong nilabasan ko. Tiningnan ko ng masama ang taong ‘yon. “What?!”

Tiningnan nya ko ng masama, malayong-malayo ang hitsura nya ngayon sa hitsura nya noong nakasakay ko sya sa bus. Sino ba ‘tong taong ‘to?

Omg! Hindi kaya may gusto sakin ‘to kaya ayaw nya akong paalisin? Pwede! Sinabi nya nga sa demonyo kanina na girlfriend nya ko e. Hala shit! Ayokong maissue na pumatol sa baliw! Baka makarating ‘to sa friends ko siguradong lalayuan ako ng mga ‘yon.

“Look, hindi ka pwedeng basta-basta umalis ngayon, for fuck’s sake it’s just 2am. Gusto mong maparusahan? Nasa boy’s dormitory ka plus hindi ka pa registered sa school na ‘to!”

School? School ‘to? Teka..

“De Viel U na ba ‘to?” medyo pabulong kong tanong.

Mariin syang pumikit saka hinilot ang sintido nya na para bang sobrang laki ng problemang ibinigay ko sa kanya. Hah! Ako pa talaga ha! E sya nga 'tong self proclaimed boyfriend ko e.

“Yes! De Viel U na ‘to at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong mapadpad sa lugar na ‘to! Iyong totoo...sinundan mo ko no?” naniningkit ang mata na pag-aakusa nya.

Talagang..ang kapal nga naman no! Malay ko bang iisa ang destinasyon namin. Anak ng pating!

“FYI, hindi kita sinundan. Dito rin ang punta ko, natalagan lang bago ako makarating dahil iniwan ako sa bus ng pesteng lalaking walang puso! Ni hindi manlang binayaran ang pasahe ko!”

Inirapan ko sya at inismiran naman nya ako. Aba’t!

“Ang kapal ng mukha mo no! Masyado kang abuso. Oh sya! Hindi na sinundan kung hindi, basta mamayang alas singko, lalabas ka na ng school na 'to at babalik ka sa kung saan man ang pinanggalingan mo, naiintindihan mo?!”

Babalik ako? Babalik ako samin? No way! Ipapatapon ako ng tatay ko sa ibang bansa. Saka hindi ako pwedeng bumalik kaagad sa bahay, mapapahiya ako kay Spring!

Ah! Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Kailangan kong makaisip ng alibi, think Autumn! Think!

“H-Hindi na ako pwedeng bumalik sa bahay. P-Pinalayas ako sa amin e, papatayin ako ng step father ko” naluluhang sagot ko.

Sorry, step father, kung sino ka man. Kailangan mong maging kontrabida ngayon para sa kapakanan ko.

Sumingkit ang mata ng lalaking kaharap ko. Psh! Bakit hindi pa sya maniwala? Nangangawit na ang leeg ko katitingala sa kanya no! Isa pa, masakit pa ang ulo ko!

“Really?!”

Nabuhayan ako ng pag-asa nang makita ko ang pagdaan ng awa sa mga mata nya. Hehe. Uto-uto. Pinalungkot ko ang mga mata ko saka dahan-dahang tumango sa kanya.

“Hmm. P-please let me stay. K-Kahit mga ilang araw lang, k-kailangan ko lang makaenroll sa school na ‘to para hindi ako mahanap ng step father ko”

Ang simpatya at lungkot sa mga mata nya ay biglang naglaho at napalitan ng iritadong tingin.

“You can't fool me, kid! Hindi ka mukhang pinalayas! Isa pa, sigurado akong hindi ka makakaenroll sa school na ‘to”

Sumimangot ako. Sobrang sama ng ugali! E kung hambalusin ko kaya ng sofa ang lalaking ‘to? Wala talagang puso, amp!

“Aalis ka ng alas singko kung gusto mo pang mabuhay ng matagal, sigurado akong paglalaruan ka ni Klaus at hindi ka bubuhayin ni Cane” mariing saad nya saka ako tinalikuran.

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now