Chapter 16

215 13 0
                                    

Chapter 16
Autumn Sison

Matalim ang tingin ko kay Troy habang nakahiga ako sa bed ng clinic. Dalawang beses na akong nadala dito at hindi ko ito nagugustuhan. Pag talaga may pangatlo pa, naku talaga!

“Oh? Anong nangyari?” pumasok ng clinic si Ivan kasunod si Hurricane na patawa-tawa.

Agad ko syang pinandilatan ng mata, “Wag mo kong tawanan!”

Nawala ang ngisi nya at tiningnan ako ng masama, “Wala kang karapatang pagtaasan ako ng boses”

Imbes na matakot ay umismid ako. Napakamalas ko sa buhay at itong mga taong 'to pa ang nakatagpo ko. Aba nakalaya nga ako mula sa bungangero kong tatay pero natrap naman ako kasama ng mga baliw na 'to.

“EXCUSE US!”

Napatingin kami sa pintuan nang bigla 'yong bumukas. Natawa ako nang tamaan sa tagiliran si Hurricane na agad nagmura, “Tang'na! Ano ba?!”

“Sorry, Cane” agad na paumanhin ng lalaki saka pumasok kasunod ang tatlo pang lalaki na buhat ang isa pang lalaking sugatan at naliligo sa sariling dugo.

Napasinghap ako. Anong nangyari?

“Nurse!”

“Bakit dinala nyo pa dito 'yan?”

Nagulat at nangunot ang noo ko sa tanong ng nurse. Bakas ang inis sa mukha nya habang pailing-iling.

“Kaibigan namin sya!”

“Kapag nabuhay pa 'yan, siguradong babalikan din sya ng kaaway nya”

“Pero..”

“Dalhin ninyo kay Mr. Profan”

Nang makalabas ang mga lalaki ay napapalunok na nilingon ko si Troy. Nagkibit balikat lang sya. Mahina akong tumikhim at napatingin naman kay Hurricane na nakatitig sakin, tinaasan ko siya ng kilay. “Bakit?”

“Sinasadya mo bang magpadisgrasya para mapansin ko?”

Sarkastiko akong natawa, “Ano? Sira ba ang ulo mo? Kasalanan niyang kaibigan mo kaya ako nahulog at bakit ako magpapapansin sayo, aber?”

“E ano ba kasing ginagawa mo sa itaas ng puno?” nilingon ko si Troy, “Kumukuha ng mangga! Gutom ako, hindi nyo ako pinakain, remember?”

Ngumiwi si Troy, napailing naman si Ivan at umirap si Hurricane na agad binuksan ang pinto.

“San punta mo, Cane?”

Ngumisi ako, “Nakokonsensya na iyan. Bibilhan mo ko ng pagkain diba?”

Umismid siya, “Wag kang assuming. May kailangan akong gawin.” saka niya ako inirapan bago tuluyang lumabas. Sumunod naman sa kanya si Ivan kaya naiwan nanaman kami ni Troy.

Sumimangot ako at nilingon si Troy, “Hindi ka ba nakokonsensya sa pagkahulog ko?”

“Bakit ako makokonsensya? Nakalimutan mo na bang nasa DVU ka? Walang konsensya ang mga tao dito.”

Mas lalong nalukot ang mukha ko. Walanghiya! Hindi manlang ba niya naisip na baka mamamatay na ako sa gutom? Hindi na sila naaawa na nahulog ako habang kumukuha ng mangga dahil nagugutom na ako?

“Hoy!” sinundot ni Troy ang pisngi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Natawa siya, “Oo na, sige na. Bibilhan na kita ng pagkain.”

“Habang nandito ako.”

Nangunot ang noo niya, “Ano?”

“Habang nandito ako ikaw ang bibili ng pagkain ko.”

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon