Chapter 34

146 5 2
                                    

Chapter 34
Autumn Sison

NAGLAKAS-LOOB akong lumabas ng kwarto ni Hurricane. Gusto kong mahanap si Troy at kausapin. Gusto kong malaman kung talagang wala siyang balak na panindigan ako. Ginusto ko naman ang nangyari pero hindi ko lang inasahan na sasabihin niya 'yon pagkatapos na may nangyari sa amin. Handa naman ako sa consequences e, ano kung mabuntis ako? Dalaga naman na ako at kaya kong buhayin ang magiging anak ko. Hindi ko lang talaga matanggap ang katuwiran ni Troy.

Patingin-tingin ako sa paligid nang may marinig akong boses na hindi pamilyar. Dali-dali akong nagtago sa likod ng poste.

Punyeta! Male's dormitory nga pala 'to!

Napalunok ako habang umiikot para maiwasang makita ng dalawang estudyanteng lalaki. Sinilip ko sila at hinintay na makapasok sa isang kwarto bago ako lumabas sa pinagtataguan ko. Akmang tatakbo na ako nang mabunggo ako na ikinagulat ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang salubungin ako ng matalim na tingin ng isang lalaki. “Where are you going?”

Umiwas akong ng tingin at umatras. Tinangka kong lumayo sa kaniya pero hinila niya ako at isinandal sa pinagtaguan ko kanina. Napaigik ako dahil napalakas ang pagtulak niya sa akin.

“Uulitin ko, saan ka pupunta?”

Sinalubong ko ang tingin niya. Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa ako na ang sumuko. “Hahanapin ko si Troy kaya pwede ba, Aries, bitawan mo ako!”

Ngumisi siya. “Pagkatapos mo akong pagtaguan, pakakawalan kita?”

Sinubukan kong pumiglas pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso kong nagsisimula nang mamanhid. Bigla niyang inilapit sa akin ang sarili niya at tinakpan ang bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko at sinubukan siyang itulak pero nagmatigas siya.

“Aries, anong ginagawa mo riyan?” anang boses ng lalaki na nagmumula sa bandang likuran ko.

Mula sa akin ay lumagpas ang tingin niya papunta sa nagsalita. “Nagsasarili. Bakit? Sasali ka?”

Gusto kong tadyakan si Aries dahil sa sinabi niya. Narinig ko naman ang paglayo ng yabag ng taong nasa likuran ko. Napabuga ako ng hangin at sumilip nang pakawalan ako ni Aries.

“Sala—” hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang makita ko ang lalaking bumababa ng hagdan. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang nasa bulsa ang mga kamay niya. Nasa likuran niya ang lalaking hinahanap ko.

Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Tumayo naman ng tuwid si Aries saka nilingon sina Hurricane, Ivan at Troy na nakatayo na ngayon sa harapan namin.

Nakakuyom ang mga kamao ni Hurricane na tiningnan si Aries. “Is it you?”

Bahagyang tumagilid ang ulo ni Aries. “What about me?”

Napaatras ako sa nerbyos nang biglang sugurin ni Hurricane si Aries. Kinuwelyuhan niya ito at inihampas ang likod sa poste.

“Hurricane!” hiyaw ko nang akmang susuntukin niya si Aries.

Nilingon niya ako. “What? Ayaw mong saktan ko ang lalaking nakialam sa 'yo? Fuck! Bakit? Nagustuhan mo ba ang ginawa niya?!”

Ikinuyom ko ang kamao ko at sinalubong ang matalim na tingin ni Hurricane. “Oo, nagustuhan ko!”

Dahan-dahan ay nabitawan niya si Aries. Bigla siyang nanghina at kung hindi siya nakahawak sa railing ng hagdan ay baka napaupo siya sa sahig.

“A-Anong sinabi mo?” parang nauupos na kandilang tanong niya.

Nagtaas ako ng noo. “Gusto ko ang nangyari, Hurricane. Gustong-gusto ko pero hindi si Aries ang pinagbigyan ko ng sarili ko, kaya h'wag kang mag eskandalo riyan.”

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon