Chapter 26

192 12 0
                                    

Chapter 26
Autumn Sison

Tamad na bumangon ako sa kama at kinusot ang mga mata ko. Bumaba ako sa kama saka dumiretso sa cr. Nagtootbrush ako nang half open ang mata at nang makita ko sa salamin ang mukha ko ay nabitawan ko ang tootbrush na hawak ko. Kaninong tootbrush 'to?

“Ginagamit mo pala ang tootbrush ko kaya napupudpod ang ngipin!”

Mabilis akong nagmumog at hinarap ang roommate ko. “Bakit kasi pakalat-kalat ang tootbrush mo!”

Umiling lang siya saka pinulot ang tootbrush niya. Hinugasan niya 'yon at nilagyan ng bagong toothpaste saka ginamit. Napangiwi ako. Kadiri!

Dali-dali akong lumabas ng banyo at pumili ng damit. Shocks! Pumili? Parang ang dami kong damit e aapat na piraso lang naman ang damit ko. Naiiling na bumalik ako sa banyo at mabilis na naligo saka nagbihis. Lumabas din agad ako sa dorm at nakangising naglakad. Sa may field ako dumaan para makita ko si Hurricane pero natigilan ako nang makitang nagkakagulo ang mga estudyante at mukhang si Hurricane nanaman ang pinagkakaguluhan nila. Teka, palagi naman syang pinagakakaguluhan ah? Nagkibit balikat ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakarating ako sa classroom at tamang-tama na dumating ang guro sa first subject.

“Aba, Barbara Tarozz, naligaw ka yata?”

Nagkamot ako ng batok. Tamang classroom kaya ang pinasukan ko.

“Bakit ka pa pumasok? I already removed you from the list. At balita ko marami kang nilalabag na rules, ewan ko nalang kung hindi ka ipatapon sa Devil's Den!”

Devil's Den?

“Get out!”

Bumuntong-hininga ako at tumayo. Umismid ako nang makalabas ako. As if natatakot ako pero teka, ano 'yung Devil's Den?

Naglalakad ako sa kawalan nang mapadaan ako sa isang classroom. Napatunganga ako nang makita ang iilang estudyante sa loob kasama sina Ivan at Troy.

“Looking for me?”

Napatalon ako sa gulat at tiningnan ang nagsalita. Si Klaus. Ngumiwi ako, “Bakit naman kita hahanapin, aber?”

Tinitigan nya ako pero initulak ko sya saka ako dali-daling umalis. Psh! Ang yabang din ng psychopath na 'yon e!

Dumiretso ako sa may field at lakas loob na naglakad palapit sa kumpulan ng mga estudyante. Hinawi ko sila at napasinghap ako nang makita ang hitsura ni Hurricane. Para na syang naghihingalo!

Kagat ang labi na pinagmasdan ko sya. Naawa ako sa kanya. Kung hindi dahil sakin ay hindi sya magagapos at mapaparusahan. E bakit ba kasi sya nagpakabayani? Bakit sya nagpasabog para lang malihis ang umiinit na mata sakin ni Aries. Tsk! Maging cancer sana 'yung Aries na 'yon.

“Cane!”

Nabalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Ivan. Napatingin ako kay Hurricane na nawalan na ng malay. Sobrang putla nya at basang basa ang buong katawan. Umulan pala kagabi?

Napalunok ako saka nilapitan sina Troy at Ivan. “Hindi ba pwedeng maabswelto sya?” tanong ko kay Ivan.

“Hindi ko alam. Nag-aalala ako, may isang araw pang natitira sa parusa nya, baka hindi na nya kayanin.”

Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko. Anong gagawin ko? May kasalanan din naman kasi ako kung bakit sya naparusahan. Ako ang prinotektahan nya. Ano ba kasing iniisip nya at ginawa nya 'yon. Psh!

Napailing-iling ako at nahagip ng paningin ko si Profan. Nakatingin sya ng diretso sakin saka biglang tumalikod.

Ibinalik ko kay Hurricane ang paningin ko. Hinang-hina na sya. Bugbog sarado pa naman sya nang igapos sya do'n. Pasimple kong nilingon sina Troy at Ivan saka dahan-dahang umalis. Sinundan ko ang pinuntahan ni Profan at naabutan ko sya sa harapan ng green house. Paborito nya yata 'tong lugar na 'to.

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon