Chapter 7

305 15 2
                                    

Chapter 7
Autumn Sison

Halos masubsob ako sa mabilis na lahat ni Ivan habang hila hila ako. Nakababa na kami mula sa dorm nila at natatanaw ko na ang gate ng school. Madilim pa sa paligid, wala pang mga tao at kami lang ang nandito, pati pala 'yong alagad ng demonyo at 'yong isang lalaki na nakasunod sa amin.

"Sandali! Sandali, Ivan!!! Pakawalan mo ko!"

Pilit kong winawaksi ang kamay nya sa pulsuhan ko pero sobrang higpit talaga ng pagkakahawak nya, feeling ko babakat ang mga daliri nya sa balat ko e.

"You're crazy! Ipapahamak mo pa ko, iniligtas na kita mula sa tiyak na kamatayan sa kamay ni Cane pero abuso ka talaga!" pabulong pero madiing sabi nya sakin.

Hindi pa nya sinasabi sa dalawang kaibigan nya na hindi nya talaga ako girlfriend, pagkatapos ng nakakagagong reaksyon nila kanina nang sabihin kong buntis ako ay galit na pinagpipindot ni Ivan ang elevator button at kinaladlad ako pababa.

"E ayoko nga kasing bumalik samin!"

Tumigil sya sa paglalakad, hinarap ako at matalim na tiningnan. Psh. Sa sobrang amo ng mukha nya hindi ako nakaramdam ng kahit katiting na takot.

"This is not a playground! Hindi mo alam kung anong mayroon sa school na to!"

Umismid ako. "Sino bang nagsabi na naglalaro ako? Totoong dito ako mag-aaral dahil nakarecieved na ako ng confirmation letter mula sa De Viel U"

Humalukipkip sya saka ako pinagtaasan ng kilay. Sumimangot ako, parang alam ko na ang sasabihin nito a.

"Where's the printed registration card then?"

Sabi ko na e!

"Hindi ko alam na may ipiprint ano! Saka hindi ko naman nabasa 'yong kasunod ng letter. Kilala ko naman 'yong nag rekomenda sakin ng school na 'to at hahanapin ko sila ngayon"

Inis na ginulo nya ang buhok nya saka sinulyapan ang dalawang nasa likuran ko. Lumingon din ako, malayo silang dalawa, nakaupo sa bench ang isa at ang sugo ng demonyo ay nakasandal sa isang puno habang nasa bulsa ang mga kamay at matalim pa rin ang tingin sakin. Leche!

Muli kong hinarap si Ivan. "Kapag nahanap ko sila mapapakiusapan naman siguro ang director or dean tungkol sa registration card, diba?

"Hindi! Hindi mo alam ang pinapasok mo, ni hindi mo inalam ang background ng school na 'to bago ka sumugod dito. This place is not like what you think it is! This is a devil's den at oras na makita ka ng kahit isa sa staff ng school na 'to at nalamang nakapasok ka kahit hindi ka registered mapaparusahan ka"

Kumurap-kurap ako. Totoo ba talagang hindi ordinaryong school 'to? Pero ayoko talagang bumalik samin. Magagawan ko naman siguro ng paraan na makasurvive dito diba?

"Ivan mukhang hindi na sya makakalabas ngayong araw"

Nilingon namin ang nagsalita. Ininguso nya ang kung anong nasa bandang likuran ni Ivan. Namilog ang mata ko nang bigla akong itulak ni Ivan, muntik pa akong mapahiyaw pero may kamay na biglang tumakip sa bibig ko.

"Sige pumiglas ka, pipilipitin ko leeg mo" bulong ng malamig at nakakatakot na boses sa likod ko.

Lumunok ako at hinayaan ang sarili na halos nakahiga na sa sahig, hawak ko ang kamay na nakatakip sa bibig ko habang ang isa kong kamay ay pinangsuporta ko sa sahig para hindi ako tuluyang mapahiga. Nakaluhod naman ang isang tuhod ni devil habang bahagya akong nakasandal sa isang tuhod nya. Ang isang braso naman nya ay nakapulupot sa leeg ko.

"Anong ginagawa nyo riyan? Maaga pa ah!"

Lumunok ulit ako. May ilaw na nakatutok sa mukha nina Ivan at ng isa nilang kaibigan, may mga halaman at damo sa harapan ko kaya maaring hindi kami makita ng kung sino mang nasa harapan nina Ivan.

"Najogging lang ho, pabalik na rin sa dorm" ang sumagot ay ang isang lalaking kasama ni Ivan.

Hindi na muli pang nagsalita ang taong nakausap nila. Nawala rin ang liwanag na dulot ng nakatutok na flashlight. Mukhang umalis na.

Napahinga ako ng maluwag kasabay ng pagbagsak ng kamay ko sa sahig. Hindi ko rin namalayan na napasandal na pala ako kay devil pero hindi naman sya nagreklamo kaya hindi na rin ako nagreact.

🌼🌼

Bumalik nga kami sa dorm nila, nandito kami sa kwarto kung saan ako dinala ni Ivan kanina, sa kwarto niya ng kaibigan nya.

"Buntis ka ba talaga?"

Kumurap-kurap ako at tinitigan ang kaibigan ni Ivan.

Nilingon ko si Ivan na nakataas ang kilay sakin at si devil na masama pa rin ang tingin sakin. Hindi kaya maduling sya sa sobrang sama ng tingin nya sakin? Ang creepy ng sugo ng demonyo na to!

Lumunok ako. "H-Hindi, sorry. Ayoko lang talagang umalis dito"

Tumango-tango ang lalaking nakatayo sa harapan ko. Medyo nakatingala ako sa kanya dahil nga nakatayo sya at nakaupo ako.

"Pero girlfriend ka talaga ni Ivan?" muling tanong nya.

Bumalik sakin ang mga sinabi ni Ivan kanina, kaya nya sinabing girlfriend nya ako ay para hindi ako saktan ng sugo ng demonyo.

"She's-"

"Oo" mabilis na pinutol ko ng sasabihin ni Ivan.

Tinitigan ko sya na may pagmamakaawa. Okay lang maging instant girlfriend na masungit na 'to wag lang malagutan ng hininga sa kamay ng sugo ng demonyo nilang kaibigan.

"Hmm. Ako si Troy" nakangiting pagpapakilala nya saka naglahad ng kamay.

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Autumn"

"Ang ganda ng pangalan mo" mahina akong tumawa dahil sa papuri nya. Hah! Sanay na sanay ako sa mga ganyang papuri, palagi ko 'yang naririnig sa mga lalaking naghahabol sa akin.

"Tama na 'yan, hoy Troy, lumipat ka muna sa kwarto ni Cane" utos ni Ivan

"Fuck! No way!" agad namang reklamo ni devil. Psh. Arte!

Walang nagawa si devil at Troy nang ipagtabuyan sila ni Ivan palabas ng kwarto. Naiwan naman akong nakaupo pa rin sa sofa habang iniisip ang susunod susunod kong gagawin para hindi nila ako mapaalis dito, siguradong bukas ng madaling araw ay ipagtatabuyan nanaman nila ako paalis.

"Oh! Basahin mo 'yan nang malaman mo ang pinasok mo"

Inihagis sakin ni Ivan ang isang manipis na babasahin. Mukhang student's handbook ito. Hah! Diba dapat makapal ang student's handbook? Nevermind!

Inismiran ko si Ivan na inirapan lang ako saka pumasok sa isang silid, ibinagsak nya pa ang pinto kaya sumimangot ako ng sobra.

Tiningnan ko ang hawak ko. Naiiling na inalis ko ang suot kong sapatos saka isinampa sa sofa ang paa ko. Binuklat ko ang unang pahina ng manipis na babasahin.

"Kill to survive"

Nangunot ang noo ko. Anong klaseng motto ito?

"DV, The anonymous director" what?

"Danger Resurrection, The Legendary Assasin" Danger?

Huh? Iritang binuklat ko ang mga kasunod na pages at halos mahulog ang panga ko nang mabasa ang mission, vision at kung anu-ano pa. Kasama na ang rules and regulation pati ang mga parusa sa mga lumalabag.

The school is not like the other school. This is a school for assasins and professional killers. Suminghap ako. Am i dreaming?

So hindi psychopath si Klaus at walang sira sa ulo si Ivan?

Dapat na ba akong matakot? Pero mas natatakot akong ipatapon sa ibang bansa -__-

-

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now