Chapter 3

452 12 0
                                    

Chapter 3
Ivan Lawrence’s POV

Inis na inis na binuksan ko ang gate ng De Viel University at busangot na pumasok sa loob. Napansin ko ang tingin sakin na guwardiya na walang ginawa kundi maupo lang habang nagkakape at hawak ang shotgun nya.

Pabagsak kong isinara ang gate saka tiningnan ang guwardiya. Wala lang syang pakialam sa ginawa ko, ni hindi nga manlang nag-abala na sawayin ako.

Tsk tsk. Ganito sa De Viel University. Walang pakialaman. Wala kang gagawin kundi mag-aral at gawin ang mga ipinagagawa sayo, wala kang karapatang magreklamo. Malaya ka dito, kahit anong oras ay pwede kang maglabas masok sa university, ‘yon nga lang, kapag may nakaalam ng pinakatatatago-tagong sikreto ng De Viel ay hindi ka na aabutin ng tatlong oras. You wil die, in a heartbeat.

“I’m actually waiting for her. She looks like a tough and hardheaded girl”

Nilingon ko ang nagsalita. Isang babaeng may pink na hairband, pink na nail polish at may lollipop na hawak. Kausap nya ang isang babaeng may pagka tomboy, itim na itim ang suot na damit, mula ulo hanggang paa, itim talaga. Sila sina Allison Cruz, the girly at Dane Vargaz, the boyish.

“Tingin mo kakagat sya sa plano mo? Mukha namang tatanga-tanga ‘yon e” harsh na sagot ni Dane.

Ngumiwi nalang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Dumiretso ako sa dormitory at doon, naabutan ko sina Troy Mariano at Hurricane Sivan. Mga kaibigan ko.

Magkaroom mate kami ni Troy habang sa katapat naman ang kwarto ni Hurricane. Wala syang kasama sa kwarto dahil kung hindi nangangatog na magpapalipat ng kwarto ay nagpapakamatay naman dahil sa sama ng ugali nya. Hurricane Sivan is one of the De Viel’s Devil. Iyon ang tawag sa mga taong may mataas at malaking kakayahan at abilidad na maging isang professional assasin. Nangunguna sa listahan si Hurricane. He almost beat the De Viel’s best assasin Danger Resurrection. At dahil mayabang si Hurricane ay gagawin nya ang lahat makuha lang ang pwestong iniwan ni Danger na hanggang ngayon ay hindi pa nasusungkit na kahit na sino.

“Akala ko hindi ka na babalik dito” puna ni Troy nang mapansin ako.

Naglalaro nanaman ng chess ang dalawa habang umiinom ng beer. Iyan ang bisyo nila kapag walang pasok. Sa isang araw pa kasi ang simula ng pasukan sa school na ‘to kaya hindi magkandaugaga ang mga estudyante sa paghahanap ng bagong recruit. May points din kasi kapag may nadala kang estudyante dito at kapag naipon ang points na ‘yon, maaari kang mapabilang sa mga estudyanteng kabilang sa Star section. Ang section na binubuo ng mga estudyanteng may potential na maging professional assasin.

“Hindi pa ko nasisiraan ng bait” nakasimangot na sagot ko.

Dumiretso ako sa couch at kumuha ng isang canned beer na hindi pa nabubuksan.

Hindi mawala sa isip ko ‘yong babaeng bumuntot-buntot sakin kanina. Ano ba naman kasing trip nya at naglayas sya kung wala naman pala syang pupuntahan. Psh. Goodluck nalang sa kanya. Sa probinsya ang byahe ng bus na sinakyan namin kanina at sigurado akong hindi sya palulusutin ng kondoktor ng bus gayong wala syang pera.

“Pasukan na sa isang araw. May madadagdag kaya sa star section?“ maya-maya’y tanong ni Troy.

Nakita kong ngumisi si Hurricane saka wala anu-ano’y tumira at boom! Checkmate! Talo nanaman si Troy sa kanya.

“Gunggong! Ang lupit mo talaga manduga!” agad na reklamo ni Troy.

Mas ngumisi lang si Hurricane saka tumingin sakin at kinindatan ako. Pwe! Hurricane is a playful bastard. Hindi mo aakalaing matindi ang sayad dahil may pagka childish sya. Madalas syang nakangiti pero kapag nagalit, pati demonyo matatakot. Sya ang may pinaka maamong mukha at magaang aura pero sya rin ang may pinakamarami nang napatay sa University. Wala syang pinalalampas, babae, lalaki, matanda, bata. Kapag may nagawang kasalanan sa kanya, agad nyang parurusahan ng kamatayan.

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now