Chapter 9

300 16 0
                                    

Chapter 9
Hurricane Sivan

Pinapanuod ko ang pagtulog ng tangang babae habang nakasandal ako sa wall sa tapat nya. Bwiset! Ang tagal magising, nakailang stick na ko ng sigarilyo tulog pa rin.

Tinitigan ko ang mukha nya. She’s pretty. Fuck! She’s pretty and i can't help but to stare at her and think about her soft lips. Damn it! Anong ginawa sakin ng babaeng to? Kagabi lang gusto ko syang patayin pero kanina madaling araw ay agad nagbago ang plano ko.

Damn Ivan for being lucky. Saan nya napulot ang babaeng to? May katulad pa kaya to?

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa mukha nya. Itago ko kaya to sa closet ko? O kaya palabasin kong patay na para hindi hanapin ni Ivan?

Damn! Kung anu-ano nang naiisip ko. Binasa ko ang pang-ibaba kong labi saka naniningkit ang mata na tinitigan ang labi nya. Fuck those lips, i’m gonna ravage that with my kisses! Paano ko makukuha kay Ivan ang babaeng to?

Teka, wala nang nabanggit si Ivan na may girlfriend sya ah. Ngumisi ako. Strange. Siguradong hindi syota ni Ivan ang babaeng to at kung sila nga, wala naman akong pakialam, aagawin ko sa kanya ang babaeng to. The moment my lips landed on hers, i already marked her as my property.

Lumabas ako ng abandonadong classroom saka bumaba. Tatlong palapag na lumang building ang pinanggalingan ko at nasa rooftop ang babae. Wala akong pakialam kung nagmumukha akong obsessed na psychopath. She’s mine!

Nasalubong ko sa may canteen si Troy na humihingal. Pinagtaasan ko sya ng kilay nang titigan nya ko na para akong isang kriminal na kapapatay lang. Tsk.

“Nasan si Autumn?”

Kumunot ang noo ko. “Mukha bang ninakaw ko?”

Ngumiwi si Troy at lumingon sa paligid saka ako muling tiningnan. “Alam kong itinatago mo sya, asan sya Cane?”

Nakaramdam ako ng inis. Pake ko kung alam nyang tinatago ko ang babaeng yon? Akin na yon e! Sana binantayan nya kung gusto nya rin palang makuha.

“Hinahanap sya ni Ivan. Alam mong delikado pag nakita sya ng faculty, parurusahan sya”

“Pinatay ko na” malamig na sagot ko.

Nanlaki ang mata ni Troy at agad na hinablot ang balikat ko. Fuck!

“What the hell?! Nasaan sya, Cane? Hindi ako nakikipagbiruan, girlfriend sya ni Ivan!” nagbabantang sabi nya.

Inis na tinabig ko ang kamay nya sa balikat ko. Pakialam ko kung si Ivan at ang babaeng yon? Kung girlfriend nya talaga dapat kanina palang nahanap na nya. At wala naman akong pakialam kung hinahanap sya ni Ivan. Finders keepers though i am the one who hide her.

Nginisihan ko si Troy. “She’s mine”

Natulala sya at hindi na nakapagsalita kaya naglakad na ako palayo. Dumiretso ako sa dorm at nagpalit ng damit. Dinampot ko rin ang panyo sa closet ko na isang taon na yatang nakatago.

Tahimik din akong naglakad pabalik sa lumang building at saktong pagpasok ko ay tumili ng pagkalakas-lakas ang babae kaya inis na pinasak ko sa bibig nya ang dala kong panyo.

Sisilaban ko ang panyong yon!


🌼🌼🌼

Ivan Lawrence

Nakatunganga lang ako kay Troy habang kinukwento nya sakin ang pagkakasalubong nila ni Cane at ang mga isinagot nito sa kanya.

What the fuck? Interesado sya kay Autumn? Patay na! Hindi na makakaalis dito ang babaeng yon!

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now