Chapter 37

147 5 0
                                    

Chapter 37
Autumn Sison

SUOT KO ang hoodie jacket ni Troy habang nakaupo sa metal na upuan at nakatingin sa pinto. Pasado alas dos na ng madaling araw at lumabas sina Ivan at Hurricane para raw makipaglaban. Sinabihan naman ako ni Ivan na magstay dito at bantayan si Troy at kung may pumasok o makakita sa akin dito na kalaban ay patayin ko gamit ang baril na ibinigay niya.

Gusto ko mang lumabas at tumulong sa kanila ay hindi ko na pinilit ang sarili ko. Nanghihina pa rin kasi ako dahil sa nangyari kay Troy.

Kung bakit kasi hindi pa nagsisimula ang kwento namin ay winakasan na kaagad.

Ikinuyom ko ang mga kamao ko sa mariing pumikit nang bumalik sa isipan ko ang nakita ko bago nawalan ng b-buhay sa mga bisig ko si Troy. Hurricane was pointing a gun at him that night at walang ibang tao doon kundi sila ni Troy.

Mariin akong pumikit pero agad ring nagmulat at napaigtad nang makarinig ako ng malakas na pagsabog.

Nilingon ko si Troy saka dinampot ang baril at lumapit sa pintuan. Binuksan ko ito at sumilip sa labas. Wala namang tao.

Agad kong isinara muli ang pinto at bumalik sa gilid ni Troy. Natatakot ako at kinakabahan. Napasandal ako sa kamang kinahihigaan ni Troy at napaluha na naman ako nang bumagsak ang kamay niya.

Dahan-dahan ay hinawakan ko ang malamig niyang kamay. Wala na siya pero dinadamayan niya pa rin ako. Kasama ko pa rin siya hanggang ngayon.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng isa kong kamay na may hawak na baril.

Lumunok ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya saka tumitig sa pinto. Kapag may pumasok na kalaban dito, kahit hindi pa ako nakakapatay ng tao, ipuputok ko ang baril na hawak ko dahil kung may natutunan man ako sa ilang buwan ko rito sa DVU, iyon ay ang palaging unahin ang sarili ko dahil hindi lahat ng tao ay kakayanin akong protektahan.

*** HURRICANE SIVAN's Point of View

WALANG PAKUNDANGAN kong binaril sa ulo si Dane Vargaz nang subukan niya akong patayin. Nagtiim-bagang ako at nilingon sina Klaus at Allison. Sila ang kasama namin ni Ivan at hindi ko akalaing kakampi sa amin si Klaus. Gusto ko rin sana siyang patayin pero hindi ko na itinuloy. Baka lalo akong kamuhian ni Autumn kapag ginawa ko 'yon.

She's already fuming mad at me. My homo...

Ilang saglit pa ay dumating na si Ivan, may mga kasama siya at nag-uusap sila pero wala akong naiintindihan dahil wala ako sa sarili. Binigyan kami ni Ivan ng earpeace pero hindi ko 'yon ginamit. Tinapon ko ito sa gilid habang mahigpit ang hawak ko sa baril ko.

Ilang sandali pa ay nagbigay na ng signal ang mga kasama ni Ivan para sumugod kami. Nang magsimulang magkagulo ay agad akong lumayo sa kanila nang hindi nila napapansin.

I KEEP ON pulling the trigger of my gun. Wala akong pakialam kahit halos maligo na ako sa talsik ng dugo ng mga kalabang binabaril ko nang sobrang lapit. Bawat kalabit ko ng gatilyo ay may kasamang galit at sakit.

Ilang taon akong nakakulong sa impyernong lugar na 'to at nang unang beses na nagmahal ako, bigo agad.

Mabigat sa dibdib. Gusto kong iiyak at isigaw ang sakit. Nawalan ako ng kaibigan at hindi ko 'yon sinasadya. Hindi ko naman akalain na makakalabit ko ang gatilyo. Hindi ko inaasahang mapapatay ko si Troy. Hindi ko sinadya pero tama si Autumn. Demonyo ako at dapat lang akong mamatay!

Napaupo ako sa lupa habang nagsisimulang tumulo ang mga luha ko. Nabitawan ko ang hawak kong baril saka isinubsob sa tuhod ko ang mukha ko. Sa madilim na parte ng garden na sira sira na ay tahimik akong umiyak.

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now