Chapter 14

255 12 0
                                    

Chapter 14
Autumn Sison

“Miss Tarroz, bakit ngayon ka lang?”

Ngali-ngali ko sampigahin ang student council president dahil sa itinawag nya sakin. Kung hindi ko naalalang Barbara Tarroz ang pangalan ko dito ay baka tinadyakan ko na ang nerd na 'to.

Aish! Ang ganda ganda ng pangalan ko! Autumn Sison. Pangalan palang maganda na tapos mauuwi sa Barbara? Ang cheap ha!

“Tinatanong kita, Miss Tarroz”

“Dumaan po ako sa clinic. Pasensya na” labas sa ilong na sabi ko.

Tumayo ang lalaki, inayos ang salamin saka  humalukipkip at tiningnan ako, “Hindi ibig sabihin na kinuha ko ang responsibilidad sa pagpaparusa sayo ay sasagot ka na ng pabalang. Student Council President pa rin ako at kahit si Hurricane Sivan ay walang magagawa kundi sumunod sa mga patakaran ko. Nakita mo naman na wala syang nagawa kagabi hindi ba?”

Tumungo ako at umirap. Pasalamat sya masakit pa ang sikmura ko dahil sa sipa ng alimangong alagad ni Hurricane na bisugo. Saka dapat lang talaga na magpasalamat sya dahil dumating pa ako kahit alas nuwebe na ng umaga. Psh!

“Sumunod ka sakin, miss Tarroz at ayusin mo ang mga sagot mo sakin”

Nagmake face ako nang tumalikod sya. Nilabas ko ang dila ko at nagduling-dulingan. Napaayos din naman agad ako ng tayo nang bigla syang humarap sakin. Kunot ang noo nya at napasinghap ako nang marahas nyang hablutin ang kanang braso ko. Napaigik ako sa higpit ng pagkakahawak nya.

“Aww!”

Matalim nya akong tiningnan, gumalaw ang panga nya at parang naging ibang tao sya. Lumunok ako, “B-Bitawan mo ko”

“Kasasabi ko lang, miss Tarroz. Respetuhin mo ako dahil hindi kita kaaawaan. Nandito ka sa lugar kung saan ako ang humahawak ng batas. Ayusin mo ang ugali mo”

Natahimik ako at walang nagawa kundi tumango. Pabalya nya akong binitawan saka tumalikod. Habang nakasunod ako sa kanya ay hinahaplos ko ang braso kong pinanggigilan nya. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Napahiya ako sa sarili ko. Ilang beses na at dito lang sa lugar na ito ako nawalan ng awtoridad. Sa lugar namin, iniiwasan ako dahil masyado daw akong mataray pero dito mukhang walang maitutulong ang katarayan ko.

Maya-maya ay tumigil kami sa parteng may mga halaman at bulaklak. Itinuro nya ang bakanteng lupa, “Linisin mo ang garden. Ayusin mo ang lupang 'yan dahil patataniman ko 'yan ng mga bulaklak”

Umikot sya at itinuro ang isang maliit na parang bodega, “Kunin mo doon ang mga gamit. Dapat bago mag ala-una tapos ka na r'yan”

Pinanuod ko syang umalis. Swabe syang naglakad palayo habang nasa bulsa ng pants ang kaliwang kamay.

Marahas akong bumuga ng hangin saka napailing-iling. Naglakad ako palapit sa bodega at kinuha ang mga gamit na pangdukal ng lupa. Nakasimangot akong lumapit sa tinuro ni president sungit na parteng dudukalin ko. Pasquat akong naupo doon saka sinimulang bungkalin ang lupa.

“Ang tigas! Bwiset!” anong klaseng lupa ba naman itong pinabubungkal sakin ng animal na 'yon! Aba'y kasing tigas yata 'to ng mukha ni Hurricane e!

Iritado akong tumingala dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang init ng araw na pumapaso sa balat ko. Umismid ako. Tiningnan ko ang suot kong damit, kinailangan ko pang humiram ng damit sa manyakis kong roommate pero hindi naman matino ang damit nya. Sleeveless at kulang nalang ay lumuwa ang dibdib ko.

Nagsimula akong magbungkal ng lupa. Ang hirap hirap dahil nga matigas. Nakakainis! Ni hindi nga ako humahawak ng walis sa bahay namin tapos aalipinin lang ako dito? Sa ganda kong 'to! Hah! Hintayin mong mainlove ka sakin president sungit, sisiguraduhin kong luluhod at manlilimos ka ng atensyon ko. Amp!

Inis na pinunasan ko ang pawis sa noo ko gamit ng braso ko. Nakakainis talaga!

“Barbs!” pakiramdam ko ay niyanig ang mundo ko.

Mabilis akong tumayo at tinutukan ng asarol ang taong lumapit sakin.

“Wooooppss! Ano  ka ba, Barbs!” pinandilatan ko ng mata si Troy. “Anong Barbs? Gusto mong butasin ko ang bumbunan mo?!”

“Hahahaha! Ang init ng ulo mo ah”

“E kung ikaw kaya ang magbungkal ng lupa sa ilalim ng araw? Ang tigas tigas pa ng lupa!”

Tiningnan nya ang binubungkal ko saka biglang bumunghalit ng tawa. “HAHAHAHAHAHA”

“Anong tinatawa-tawa mo?”

“Barbs, ang tanga mo naman”

Suminghap ako, “Ano?! Tanga? Ako tanga? Baka gusto mong isampal ko sayo lahat ng medalya at sandamakmak na awards ko! Mula kinder may award ako kaya wag mo kong matawag tawag na tanga”

Tumigil sya sa pagtawa at itinaas ang dalawang kamay. Hahambalusin ko na sana sya dahil nakangisi pa rin ang gago nang may biglang nagsalita sa gilid.

“I was expecting a good work pero wala pala akong dapat asahan. Anong ginawa mo, miss Tarroz?”

Pinangunutan ko ng noo ang masungit na president saka tiningnan ang lupang binubungkal ko. Walang nangyari, parang mas nadasik pa ang lupa. Psh! Umismid ako, ang hirap hirap naman kasi ng pinagagawa nya. Sana pinaglakad nalang nya ako sa hallway habang may hawak na karatulang may nakasulat na 'Maganda ako, di dapat tularan'

Lumapit sa amin ang masungit na presidente. Tiningnan nya si Troy, “Anong ginagawa mo dito, Troy?”

“Pinasusundo sya sakin ni Cane”

“Hindi pa tapos ang trabaho nya”

Nalukot ang mukha ko, “E pano matatapos e ang tigas tigas ng lupang pinabubungkal mo sakin saka gutom na ako, hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga!”

Tumingin sakin si president sungit, “Hindi ko na kasalanan kung gutom ka saka...” tumigil sya sa pagsasalita at lumapit sa binubungkal kong lupa, nanlaki ang mata ko nang tapak-tapakan nya 'yon.

“Hoy! H'wag mo namang dasikin!”

Tumingin sakin ang masungit na presidente saka may itinurong gripo, “...dinidiligan muna ang lupa bago bungkalin, miss Tarroz. Matigas talaga ang lupa dahil mainit ang panahon, kung hindi ka tanga, dapat alam mo ang gagawin bago bungkalin ang lupa”

Suminghap ako. Kingina! Grabeng panlalait ang natatanggap ko sa lugar na 'to ha, samantalahang sa amin halos sambahin ako ng mga estudyante. “Hindi ako fan ng agriculture kaya hindi ko alam, okay. Pwede bang iba nalang ang ipagawa mo sakin, ang init-init kaya dito”

“Barbs, kahit elementary alam ang gagawin bago bungkalin ang lupa” inirapan ko lang si Troy.

Muli kong tiningnan ang president na ngayon ay matalim ang tingin sakin. Napalunok ako. Omg! Ayaw nga pala nyang sinasagot sya ng pabalang!

“I will give you another task. This is your last chance. Kapag pumalpak ka, ipapasa ko na kay Sir Profan ang pagpaparusa sayo”

Naglakad sya at tumigil sa mismong harapan ko, “Tumutulay ka na sa pasensya ko. Kaonti nalang, bibingo ka na sakin” mariing banta nya saka ako nilampasan.

Napakurap-kurap ako at tumingala ng kaonti para tingnan si Troy. Umiiling-iling sya, “Tsk tsk tsk! Goodluck, Autumn, marami ka nang binangga. Mabait si Aries kung sumusunod ka ng maayos pero sinasagot-sagot mo pa. Ayaw nya non”

Ngumuso ako, “E siraulo kasi ang mga tao dito, kasama ka!”

Tumawa sya at hinawakan ang balikat ko, “Si Aries, ayaw nya na sinasagot ng pabalang. Si Klaus, ayaw nya sa taong masyadong matapang at hindi natatakot sa kanya at si Hurricane, ayaw nya nang sinusuway sya. Goodluck, Autumn, malapit ka nang malagas ng literal”

“Tinatakot mo ba ko?”

“Hmm! Depende kung matatakot ka. Tara na, nag-iinarte si Cane, hindi daw sya kakain hangga't wala ka”

Saglit akong natulala. Teka...hindi naman ako dapat matakot. Duh! Ako si Autumn Sison. Wala akong kinatatakutan at dapat akong kilalanin. Psh! Akala nila matatakot nila ako. Luluhod muna sila sa asin at monggo bago nila ako makanti!






UNEDITED

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now