Chapter 32

154 8 0
                                    

Chapter 32
Autumn Sison

HINDI KO ALAM kung saan kami pupunta ni Troy. Patuloy lang sya sa paghila sa akin papunta sa kung saan. Palinga-linga lang ako sa paligid hanggang sa tumigil kami sa masukal na parte ng campus. Lumapit sya sa isang puno at namangha ako nang may pindutin sya doon at bumukas ang isang pabilog na butas sa lupa. Umawang ang labi ko. May secret passage pero hindi 'yon halata dahil may mga damo, lupa at tuyong dahon doon na nakadikit kaya kahit bumukas ang passage ay hindi nagalaw ang mga damo.

Nilingon ako ni Troy at inilahad nya ang kamay nya sa akin. “Tara.”

Napakurap-kurap ako. “Ano 'yan?”

Bigla siyang lumapit sa'kin at hinablot ang braso ko. “Mamaya ka na mag-usisa.”

Halos itulak ako ni Troy pababa sa butas kaya panay ang sapak ko sa kaniya. Nang tuluyan naman akong nakababa ay napabuga ako ng hangin saka tinakpan ang ilong ko. Sobrang baho sa lugar na 'to.

Tumalon si Troy sa tabi ko at sinamaan ko siya ng tingin. “Anong lugar ba 'to?”

“Tapunan ng tae.”

Sasapukin ko sana siya nang mabilis siyang nakalayo. “Sumunod ka sa 'kin.”

Gusto ko man siyang bugbugin ay hindi na ako nagsayang ng oras. Sinundan ko ang direksyong tinatahak niya. Panay ang reklamo ko dahil hinahabol ako ng lamok na panay ang kagat sa mga braso ko at lantad na likod. Medyo nawawala naman na ang masangsang na amoy kaya inalis ko na ang pagkakatakip sa ilong ko.

Bigla siyang kumaliwa at may binuksang bakal na pinto. Nang pumasok kami ay namangha ako sa nakita ko sa loob. Puti ang lahat at napakalinis hindi katulad ng lugar sa labas ng pintong pinasukan namin.

“This is the Devil's Den.”

Nangunot ang noo ko at nilingon si Troy. “Devil's Den? Bakit dinala mo ako dito?”

“Dahil mas ligtas ka dito.”

Umiling ako at tiningnan siya nang may paghihinala. “Sa pagkakaalam ko, dito dinadala ang mga estudyanteng lumalabag sa rules.”

Tumango si Troy. “Oo nga.”

“E bakit dinala mo ako dito?!”

“Mas ligtas ka nga rito. Walang mag-iisip na dito ka magtatago.”

“At kung may pumasok dito at mahuli tayo, anong gagawin mo?” naniningkit ang mga matang tanong ko.

Tinitigan niya ako. “Gusto mo bang malaman kung bakit tinawag itong Devil's Den?”

Syempre gusto ko. “Bakit?”

“Dito pinaglalaruan ng may-ari ng school ang mga estudyanteng lumalabag sa rules niya.”

Nangunot ang noo ko at ikinuyom ang mga kamao ko. Dahan-dahang naglakad palapit sa akin si Troy kaya nagsimula rin akong umatras.

“Ang mga lalaki, pinaglalaban niya hanggang sa mamatay. Ang mga babae, pinagsasawaan niya.”

Nagtiim-bagang ako at matalim siyang tiningnan. “Subukan mong hawakan ni dulo ng daliri ko, ibabaon kita sa mismong kinatatayuan mo.”

Biglang ngumisi si Troy at hinablot ako sa mga braso. Napangiwi ako nang isandal niya ako sa bakal na dingding saka inilapit ang mukha niya sa 'kin. Mariin akong napapikit, handa na sa magiging kapalaran ko pero binitawan niya ako kasabay ng malakas niyang paghalakhak.

Nagmulat ako ng mata at pinagtatadyakan si Troy. Panay ang salag niya at ang gwapo niya sa ginagawa niya. Panandalian akong natulala pero gago pa rin siya kaya natigilan ako.

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora