Chapter 2

519 15 0
                                    

Chapter 2
Autumn Sison

Nakatulala ako sa kondoktor ng bus na nakatayo sa harapan ko. Papikit-pikit ako habang naghihintay naman sya ng sagot ko.

“Miss, saan ka?” pag-uulit nya sa tanong.

“S-Sa..Sa a-ano..” san nga ulit ‘yon? Anong address ‘yon?

Dali-dali kong kinuha ang phone ko sa bulsa para tingnan ang address pero napatigil ako nang magsalita ang lalaking katabi ko.  “Kasama ko sya kuya, sa Elrich subdivision”

Napanganga ako habang nakatingin sa lalaking nagsalita. Inabot nya ang bayad sa kondoktor na tiningnan pa ako ng masama bago lumapit sa ibang pasahero.

Napatingin naman ako sa lalaking pokerfaced lang na nakatingin sa labas ng bintana. Gwapo sya, sobrang gwapo at tirik ang blonde na buhok. Nakasuot sya ng earphone at tahimik lang.

“Thank you” bulong ko.

Akala ko’y sasagot sya nang lumingon sya sa gawi ko pero tumayo sya at paharap na dumaan sa harapan ko. Bahagya syang nakayuko sakin habang titig na titig sa mga mata ko. Napasinghap ako ng hangin nang tuluyan syang makadaan at dire-diretsong lumabas ng bus.

Bigla naman akong napatayo nang umandar ang bus at halos madapa-dapa na tumakbo palapit sa driver. “Kuya, kuya, sandali. Bababa ako”

Inis na itinigil ng driver ang bus at may pinindot para mabuksan ang pinto. Nang makababa ako ay nakita ko pa ang pailing-iling na kondoktor habang nakatingin sakin. Psh. Sungit sungit, kalbo naman!

“Pssst” sitsit ko habang hinahabol ‘yong lalaking nanlibre sakin.

Malayo na sya sakin at dire-diretsong naglalakad. Napakamot ako sa batok. Ang bilis nya maglakad, haba kasi ng legs.

“Psstt teka lang!” tawag ko ulit pero dedma pa rin.

Sumimangot ako saka nag-umpisang tumakbo, nang maabutan ko sya ay hinawakan ko sya sa balikat. Galit naman nyang winaksi ang kamay ko saka tiningnan ako ng masama. Sungit!

“Ano bang kailangan mo? Kung magpapasalamat ka di na kailangan”

Umismid ako. Ang sungit-sungit naman ng lalaking ‘to. Daig pa ang nagmemenu pause na matanda. Psh

“Magpapasalamat talaga ko”

“Tsk” palatak sya saka ako nilayasan ulit.

Napanganga ako. Ganon lang ‘yon? Hindi nya ko sisingilin? Mayaman siguro ‘to.

Muli akong tumakbo para sundan sya pero mukhang naramdaman nya ang presensya ko kaya mabilis syang pumihit paharap sakin at sinigawan ako. “ANO NANAMAN BA?!”

Namilog ang mata ko sa gulat. “WALA AKONG MAPUPUNTAHAN, LUMAYAS AKO SAMIN!” pasigaw na sagot ko na sinagot din nya ng malakas na...“PAKIALAM KO?!”

Right! Stupid, Autumn. Ano nga namang pakialam nya e hindi naman kayo magkakilala, inilibre ka lang naman nya ng pamasahe at iniligtas sa kahihiyan kaya makapal na ang mukha mong sundan-sundan pa sya. Pero...aish!

Nagpatuloy sya sa paglalakad kaya muli akong sumunod. Nasa likuran nya ako kaya nang bigla syang tumigil ay nauntog ang mukha ko sa likod nya.

Inis nya kong nilingon saka pumalatak at muling naglakad palayo. Nagpatuloy naman ako sa pagsunod sa kanya.

Bigla syang humarap muli sakin at sininghalan ako.  “Hindi ako nag-aampon ng pusa!”

Sumimangot ako. Mukha ba kong pusa? “Sinong tinawag mong pusa?!”

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now