Chapter 15

234 15 0
                                    

Chapter 15
Autumn Sison

Pagdating namin sa cafetaria ay naabutan namin ni Troy si Ivan na panay ang lamon habang si Hurricane ay prenteng nakaupo lang sa upuan. Para syang hari na nakasandal habang nakadekwatrong panlalaki at may lollipop sa bibig. Ngumiwi ako. Akala na nya cool syang tingnan? Psh!

“Mabuti naman dumating ka na!” pasinghal na sabi sakin ni Hurricane.

Humalukipkip ako at pinagtaasan sya ng kilay, “Hindi ka makakain ng wala ako?”

“Oo”

“Hah!” pinitik ko ang buhok ko, “I knew it, wag mong sabihing nainlove ka na kaagad sakin, Hurricane”

Narinig ko ang halakhak ni Troy. Nginisihan naman ako ni Hurricane. “Nangarap ka! Hindi ako makakain dahil wala pa akong pagkain at bilang alipin ko, ikaw ang bumili para sakin”

Pinanlakihan ko sya ng mata, "Ang kapal naman ng mukha mo! Sa ganda kong 'to, aalipinin mo ako?”

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa, “Mukha mo lang naman ang maganda sayo, the rest...” tumigil sya sa pagsasalita saka umiling, “Nevermind”

“Aba't!”

“HAHAHAHA”

Pinaningkitan ko ng mata si Troy na humalakhak nanaman. Si Ivan naman walang pakialam na kumakain lang. Pabebe pa sya kung kumain at paunti-unti samantalang si Troy ay lamon kung lamon.

“HOY HURRI—AY!” napatili ako nang damputin nya ang tray na nasa mesa saka inihagis sakin.

Sinamaan ko sya ng tingin, mabuti nalang nasalo ko. “You jerk!”

Kinindatan nya lang ako saka inilabas ang lollipop sa bibig nya. Hinalikan nya 'yon saka muling isinubo.

“Bumili ka na, gutom na ko!”

Nagmartsa ako palapit sa kanya, “Pera”

Tumayo sya at nginisihan ako, “Dukutin mo”

Inis na bumaba ang paningin ko sa bulsa ng pantalon nya. Humalukipkip naman sya saka itinagilid ang ulo na para bang hinahamon ako.

Inirapan ko sya, “Bakit ako? Mamaya may kung ano diyan e!”

“Wala naman. May cobra lang na maari kang tuklawin pag mali ang dinukot mo”

“Pffffttt Hahahaha”

*cough cough* Fuck!”

Hindi ko pinansin sina Ivan at Troy. Tiningnan ko lang ng matalim si Hurricane, “Bat di nalang kaya ikaw ang bumili ng pagkain mo?!”

“Oh babe, baka nakakalimutan mong wala kang pera at ako lang ang pag-asa mong makakain”

Napalunok ako. Shit! Hindi ko naisip 'yon. Hindi naman pwedeng humingi ako sa room mate ko dahil mukhang kuripot ang isang 'yon. Nilingon ko sina Troy at Ivan, busy na sila sa pag-uusap kaya umismid ako at muling tumingin kay Hurricane.

Inis na hinawakan ko ang belt ng pantalon nya saka sya hinila palapit sakin.

Manghang natawa sya, “Whoa! Hindi ko alam na ganyan ka kaatat sakin”

“Tumigil ka! Baka ihampas ko sayo 'tong tray!”

Ngumisi lang sya. Ipinasok ko naman ang kanang kamay ko sa bulsa ng pantalon nya saka dinukot ang nasa loob nito. Napangiwi ako nang mailabas ko ang kamay ko at makita ang nakuha ko, “Tang'na ka! Pano ko maibibili ng pagkain ang condom?!”

“HAHAHAHAHAHA”

Ngumiwi ako at tiningnan sina Troy at Ivan na mamatay-matay katatawa. Hayop na mga 'to!

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now