Chapter 39

196 7 1
                                    

Chapter 39
Autumn Sison

ISANG buwan na ang nakalipas, and I am currently six weeks pregnant. Nangyari ang inaasahan ko. Two weeks after ng libing ni Troy, I found out that I'm pregnant. Masaya ako dahil iniwanan niya ako ng isang buhay na alaala. Thinking about our child makes me happy at sa panahong inaatake ako ng lungkot, nawawala ang pangungulila ko kapag napapahawak ako sa tiyan ko.

“Talaga bang hindi mo susundin ang sinabi ko sa 'yo, Autumn Sison?!” dad is scolding me again. I decided to completely stop studying na kasi since he gave me the rights to manage his business.

“Dad, business rin naman ang tatapusin ko, might as well sanayin ko na ang sarili ko at simulang magtrabaho instead of wasting four years in college. Marunong naman akong maghandle ng business.”

“That's my point, Autumn. I want you to handle our business with a degree. Gusto kong may diploma kang ipagmamalaki ko habang binibisita ako ng mga magiging apo ko sa bahay. I just want the best for you.”

Ngumiti ako. “And you already gave me the best, dad. Don't worry, mahilig ako sa cars kaya yakang-yaka ko ang Duce Motors.”

Bumuga siya ng hangin at hinilot ang sintido niya. “Bahala ka na nga, ikaw talaga ang sakit ng ulo ko.”

Tumawa lang ako at naupo muli sa sofa. Bumalik ako sa panunuod when unconsciously, I started playing with the ring in my finger. This became a habit. Hindi ko napipigilan ang sarili ko lalo na kapag namimiss ko si Troy.

“Basta nga pala kapag malaki na ang tiyan mo ay titigil ka muna sa pagtatrabaho at magsstay dito sa bahay.” biglang sabi ni dad.

I gave him a thumbs up. He just shook his head as mom made her way towards us. As usual, nagshopping na naman sila ni Winter na wiling-wili sa pagwaldas ng pera.

Lumapit sa akin si Winter. “Look, sis, I bought a dress for my pamangkin.”

Nginiwian ko siya nang ipakita niya sa 'kin ang sandamakmak na baby dress. “Hindi pa nga lumalaki ang tiyan ko.”

Ngumisi lang siya saka lumapit naman kay dad bitbit ang isang necktie. Napailing nalang ako habang pinagmamasdan sina Winter at dad. Sa aming magkakapatid, si Winter ang pinakamalambing. Spring is normal, medyo madaldal, medyo hindi habang si Summer ay siyang pinakatahimik. While me? Oh, no! I don't even have to say it. Obvious naman na ako ang pinakamatigas ang ulo.

“Good morning po.”

Napatingin kami sa may pinto nang may kumatok at nagsalita. Nakatayo si Ivan sa labas ng bukas na pintuan habang may hawak na isang bouquet ng bulaklak. May bitbit rin siyang malaking stuff toy na kasinglaki ng mga stuff toys sa kwarto ko na halos tabunan na ako kapag natutulog.

Ngumiti si mom sa kaniya. “Ivan, hijo, pasok.”

Ngumiti ito at agad na pumasok. Lumapit siya sa akin. Akmang aagawin ko ang stuff toy nang ilayo niya ito at pinangunutan ako ng noo. “This is not for you, Autumn.”

Inirapan ko siya. “Sa akin rin naman babagsak 'yan dahil ibinibigay sa 'kin ni Summer.”

Agad na nalukot ang mukha ni Ivan. “Ibinibigay o kinukuha mo?!”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ibinibigay niya. Kung hindi nga lang nalalanta ang mga bulaklak mo edi sana nasa akin rin 'yan.”

Ngumiwi siya. “Hindi naman ikaw ang nililigawan ko ah!”

Ngumisi ako. “Atleast itinatago ko ang bigay mo kaya amina 'yan, gusto kong yakapin.”

“Tss!” umismid lang siya saka napatingin sa bumababa ng hagdan. Si Summer 'yon na naka maikling shorts, t-shirt at may nakasaksak na earpods sa tainga.

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now