Chapter 22

186 13 1
                                    

Chapter 22
Autumn Sison

Nakayuko akong naglalakad pabalik sa dorm. Mabibigat ang mga hakbang ko habang tinitisod ang lupa. Ngumuso ako nang matuon ang atensyon ko sa suot kong sapatos. Naalala ko nanaman si Hurricane. Ano kayang gagawin ng gagong 'yon? Para kasing nag-iwan sya ng banta sakin.

“My my my. Kapag sinuswerte ka nga naman!”

Tamad na nag-angat ako ng tingin. Si Klaus the psychopath. Nakakainis naman! Lahat nalang ng may sira sa tuktok nakakabangga ko dito. Si Hurricane, si Troy tapos ang Klaus na 'to. Isama na pati si Aries at Profan. Hay! Speaking of Troy, nasan na kaya ang hinayupak na 'yon. Ang kapal ng mukha na sabihan ako ng manyak. If i know nasarapan din 'yon sa halik ko.

“Anong kailangan mo?” nakasimangot na tanong ko.

“Your death.”

Umirap ako. Nagsasawa na akong marinig ang pagbabanta nila. Wala bang bago. Katatapos lang akong pagbantaan ni Profan at Hurricane tapos siya naman ngayon. Psh!

“Wala ako sa mood, Klaus.”

Tiningnan niya ako ng masama at nagulat ako nang bigla niya akong sakalin. Napasinghap ako at agad na hinawakan ang mga kamay niya sa leeg ko. Lumunok ako at pilit na inaalis ang kamay niya. Nagsimula akong umubo lalo na nang idiin niya ang mga daliri niya sa leeg ko.

“B-Bit—B-Bitawan mo a-ako!”

“No. I will kill you now—”

“AAAAHHHH—AW! ARAY! ARAY KO!”

Hinampas ko ang sahig pero mas nasaktan ako. Tang'na!

“Kung makatili ka para kang ginagahasa.”

Naniningkit ang mga matang tiningnan ko ang hinayupak sa harapan ko. “E kung tulungan mo akong tumayo!”

“Kaya mo na 'yan. Papasok na ko.”

Pinadyak ko ang paa ko nang talikuran ako ng punyetera kong roommate. Psh!

Tumayo ako at napailing-iling. Tang'na! Kala ko mamamatay na ko. Buti panaginip lang. Nagkamot ako ng batok. Ganon ba talaga kahalimaw ang Klaus na 'yun para mapanaginipan ko sya na pinapatay ako? Tsk! Unahan ko na kaya?

Ay punyeta! Kung ano ano nang pumapasok sa utak ko!

Tamad akong naligo at nagbihis. Sumimangot ako nang makita sa salamin ang kabuohan ko. Suot ko lang naman ang damit na ibinigay sakin ni Hurricane. Punyemas!

Kakamot-kamot sa batok na lumabas ako. Tamad na tinahak ko ang direksyon palabas ng dorm at habang nasa hagdan ako ay hindi maiwasang isipin ang mga pinanggagawa ko kahapon. Tang'na! Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan at hinawakan ang ulo ko. Walangya! Bakit ko ba hinalikan si Troy?

Iritado kong ginulo ang buhok ko saka nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. Nang tuluyan akong makalabas ng dorm ay nag-unat-unat ako. Hay! Ang boring naman ng buhay ko dito. Sana pala hindi na ako pumunta dito.

“Watch me whip~ watch me nae nae~”

Nakangiwing umatras ako nang may lalaking bigla nalang sumayaw habang naglalakad. Nagpakamot ako ng batok. Anak ng! Paaralan talaga ng mga may sira sa utak ang school na 'to.

Napailing ako at naglakad nalang palayo. Baka sapian ng masamang espiritu 'yun, sakalin pa ko bigla.

“Review the CCTVs again and report to me. Imposibleng walang nakunan kahapon bago at pagkatapos ng pagsabog.”

Nangunot ang noo ko habang tinitingnan ang Student Council President. Mabagal siyang naglalakad kasunod ang tatlong lalaki at dalawang babae.

“Do everything to find a clue. Hindi pwedeng hindi natin malutas ang kasong ito. Siguradong makikialam si Mr. Profan at makakarating 'to sa director.”

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon