Chapter 30

190 13 0
                                    

Chapter 30
Autumn Sison

NAUBOS ANG ORAS ko sa pagtambay sa kung saan-saang parte ng campus. Ilang saglit pa ay kumalam ang sikmura ko. Nakasimangot akong tumingin sa anino ko at base sa posisyon ng anino ko, tanghali na. Baka mag-aalas dose na.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi nang kumalam nanaman ang sikmura ko. Nagugutom na ako. Anong gagawin ko? Nilayasan ako ni Troy kanina at hindi ko sya mahagilap. Wala akong makokotongan.

Tumingin ako sa paligid. Maraming estudyanteng naglalakad. Ang iba ay papunta sa cafetaria, may iba naman na nakaupo sa mga bench habang kumakain. Nakakainggit!

“Pst!”

Tumingin ako sa paligid. Sinong sumisitsit? Ako ba ang sinisitsitan? Baka may dalang pagkain.

“Pst!”

Nangunot na ang noo. Nasaan ba ang sumisitsit na 'yon?

Napatingin ako sa hindi kalayuang hagdan. Naroon si Hurricane na nakaupo sa hagdanan at ang dalawang siko ay nakapatong sa hagdan na nasa likuran nya.

Nilapitan ko sya. “Ikaw ba ang nasitsit?”

Tinitigan nya lang ako kaya nalukot ang pagmumukha ko. Napatingin pa ako sa babaeng nagbubulungan sa itaas, nakatingin sila sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay at inirapan.

“Gutom na ko.” reklamo ni Hurricane kaya tiningnan ko sya ng matalim.

Itinuro ko ang sarili ko. “Anong pake ko, e pareho tayo ng nararamdaman!”

Humalakhak sya. “Really?”

Napangiwi ako. Iba yata ang nasa isip ng siraulong 'to.

Akmang tatalikod na ako nang hawakan nya ang palapulsuhan ko. Kunot-noo ko syang nilingon. Ngumuso sya. “Alalayan mo 'ko pagtayo.”

“Ano ka baldado? Nakarecover ka na, Hurricane!” iritadong singhal ko.

Tumalim ang tingin nya sakin. “Baka nakakalimutan mo kung bakit ako naparusahan!”

“Sira ba ulo mo? Sinisisi mo 'ko e kasalanan mo naman 'yon!”

Iritado nyang ginulo ang buhok nya. “May kasalanan ka rin!”

Napaisip ako. Oo nga, may kasalanan nga ako. Pero teka, sinabihan ko ba syang gawin 'yon? Hindi ko naman sinabing magpasabog sya para patayin ang totoong Barbara Tarozz e!

Nangingiwi akong napabuga ng hangin. Inirapan ko muna sya bago inalalayan pagtayo.

Pakiramdam ko matatae ako dahil sa bigat nya. Ano bang kinakain ng bagyong 'to at ganito kabigat?

Tiningnan ko ang mukha nya at agad na nag-init ang ulo ko nang makitang nakangiti sya at enjoy na enjoy sa pag tingin sa mukha ko.

“Ano ba! Sinasadya mo yatang magpabigat e!” singhal ko sa kanya pero kinindatan ako ng gago.

“May bayad 'to ha! Ilibre mo 'kong pagkain!” sabi ko nalang imbes na pansinin ang kabaliwan nya. Kung hindi lang ako nagugutom baka tinadyakan ko pa 'to at inilubog sa hagdan.

“Ang lambot mo, Homo.” biglang sabi nya kaya binitawan ko sya. Diretsong napaupo sa simento ang siraulo. Ngayon, mas napatunayan kong nagpapabigat lang talaga sya.

“Ang manyak mo! Saka anong homo?”

Tiningnan nya ako ng masama. “Bakit mo ko binitawan? Masakit 'yon, alam mo ba?”

Inirapan ko sya. Tumayo naman sya at nagpagpag ng pantalon. Ang arte arte kala mo naman ang cool nya tingnan.

“Anong homo, Hurricane?!”

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now