Chapter 27

175 10 0
                                    

Chapter 27
Autumn Sison

NGALAY na ngalay na ako. Ang bigat bigat sa katawan ng pagod at sobrang sakit na ng balat ko dahil sa init ng araw. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko pero tinatatagan ko ang loob ko. Maraming estudyante ang napapatingin sa akin tuwing dumadaan sila, nagbubulungan at nagtatanong kung bakit ako na ang nakagapos at hindi si Hurricane.

“Autumn.” pabulong na tawag sa'kin ng isang boses.

Nilingon ko ang lumapit sakin. Napangisi ako. “Hi, Troy.”

He pursed his lips. “Bakit?”

Natawa ako. “Anong bakit?”

“May gusto ka rin ba kay Hurricane? Bakit mo sya sinalo?” muling tanong nya.

Ah! Napatango ako pero agad ding umiling. “Wala akong gusto kay Hurricane, no! Nunkang magkagusto ako sa talipandas na 'yon. Sinalo ko lang sya dahil may kasalanan din ako.”

Tumango sya at akmang bibigyan ako ng tubig nang may humawak sa magkabilang braso nya.

Anak ng pating! Paiinumin nya pala ako edi sana kanina pa. Inuna nya pa talaga ang pag-usyoso ha! Ayan tuloy nahuli sya.

“Ano ba!” pumiglas si Troy mula sa dalawang lalaking nakahawak sa kanya.

Umirap ako nang matanaw ko sa hindi kalayuan si Klaus na nakangisi sakin. Ano bang naisip ng psychopath na 'yon at binabantayan ako? Tsk! Inutusan kaya sya ni Profan? Hah! Magsama silang dalawa, pati si Aries. Mga gago!

“Bitawan nyo ako!” patuloy na nagpupumiglas si Troy mula sa dalawang lalaki.

Napalunok ako sa pagkatakam nang mahulog ang hawak ni Troy na bottled water at natapon 'yon sa lupa. Bagsak ang balikat na bumuga ako ng hangin saka tamad na tiningnan si Troy na kinakaladkad na ng dalawang lalaki palayo.

Napalunok ako para pakalmahin ang tuyong-tuyo kong lalamunan. Sa uhaw yata ako mamamatay. Sa tindi ng sikat ng araw kanina at singaw ng lupa, hindi malabong madehydrate ako.

Mariin akong pumikit habang pinipigilan ang sarili ko na sumigaw. Ngalay na ngalay na ako at kaonti nalang ay bibigay na ang tuhod ko. Argh! Kapag talaga nagkaroon ako ng pagkakataon, hahambalusin ko ng tubo ang mukha ng Profan na 'yon.

Humugot ako ng malalim na buntong-hininga saka nagmulat ng mata. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko pero sa huli ay wala akong nagawa kundi gawin ang gusto kong gawin.

“ARGH!” sigaw ko na halos ikapaos ko. Nakita ko kung paano napatalon sa gulat ang babaeng naglalakad hindi kalayuan sa akin kaya napatawa ako.

Iiling-iling akong napayuko nang may biglang lumapit sa akin. Tamad akong nag-angat ng tingin pero namilog ang mga mata ko nang makitang si Hurricane ang nasa harapan ko. Mapungay ang mga mata nya at halatang hinang hina. Halos namamaga din ang mukha nya dahil sa bugbog.

“Anong ginagawa mo dito?!” iritadong tanong ko sa kanya saka luminga sa paligid. Naku! Pag nakita 'to ni Profan, lagot 'to.

“I should be the one asking that. What the fuck are you doing here, Autumn?” nanggagalaiting tanong nya.

Pinangunutan ko sya ng noo. “Iniligtas kita, obvious ba? Bumalik ka na nga sa dorm—HOY!”

Nanlaki ang mga mata ko nang pumunta sya sa gilid ko at sinimulang kalagin ang tali ko.

“HURRICANE!” sinipa ko sya sa binti pero parang walang narinig at naramdaman ang gago.

“ANO BA!” singhal ko pa sa kanya. Papatayin 'to ni Profan kapag nakita sya!

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now