Chapter 20

221 13 2
                                    

Chapter 20
Autumn Sison

Hinahanap ko si Hurricane nang mamataan ko ang grupo ng mga alimango niya. Nasa canteen ang mga panget na alagad ni Hurricane, lumalamon habang nagyoyosi. Wow! Ang cool talaga ng school na 'to kaso hindi ako marunong manigarilyo eh. Bakit ba napaka strict ni dad?

Pinasingkit ko ang mga mata ko habang nakatingin sa mga babae. Hah! Patay kayo sakin mga punyeta kayo!

Taas noo akong pumasok sa canteen. Feeling ko isa akong katakot-takot na gangster queen dahil napapalingon sakin ang mga estudyante sa loob. I was walking with confidence at may naririnig pa akong malakas na tugtog mula sa cellphone o speaker ng kung sino kaya feel na feel ko ang pagpasok.

Nang makarating ako sa tapat ng lamesa ng mga sugo ni Hurricane ay ibinagsak ko sa lamesa nila ang kamao ko dahilan para matigil ang tawanan nila.

Galit na tumayo ang isa. “What’s your problem?!”

Ngumisi ako. “I want to get even.”

Tumawa siya. Mahina lang na unti-unting naging halakhak. Nangunot ang noo ko. May nakakatawa ba?

“Linyahan ng mga loser!” nakangising sabi nito saka humalukipkip. “So why do you want to get even, loser?”

Mas lalong nalukot ang mukha ko. Naiirita na ako ha! Sa subdivision namin tingin ko palang tumitiklop na ang mga butiking tambay at mga mukhang clown na pokpok. Talaga bang hindi sila matatakot sa isang Autumn Sison? Sabagay, hindi naman nila alam na ako si Autumn Sison. Bwiset na Hurricane kasi yon! Kung bakit kasing pangit ng ugali niya ang ipinalit sa pangalan ko.

Dinuro ko siya. “Hoy—”

'Barbara Tarroz. BS Psychology. Please proceed to the Disciplinary Office.'

'Barbara Tarroz. BS Psychology. Please proceed to the Disciplinary Office.'

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa mga speaker sa loob ng canteen. Anak ng..

“Is that you? Your name’s Barbara Tarroz?” tumatawang tanong niya.

Umikot ang mga mata ko saka itinuro ang sarili ko. “Are you fucking kidding me? Ang ganda-ganda ng pangalan ko pagbibintangan mo akong Barbara ang pangalan?”

Tinalikuran ko sila pero may humablot sa buhok ko. “Ouch!”

“Gaganti ka diba? Simulan na natin!”

Sinampal ko ang isang babae na akmang lalapitan ako. Tinadyakan ko naman ang isa nang pumorma itong kakalmutin ako. Ang isa ay hinawakan ang braso ko kaya nawalan ako ng pagkakataong suntukin ang nakahawak sa buhok ko.

“ARAY!” malakas akong napasigaw nang kasabay ng sabunot ay may sumapak sakin.

Shit! Feeling ko hihiwalay ang buhok ko sa anit ko.

“FUCK YOU! PANGET! ANG PANGET MO!” nagsisigaw ako habang pilit na kumakawala sa pangunguyog nila sakin. Sinipa-sipa ko ang mga paa ko at nang makawala ako sa kanila ay agad kong sinipa sa sikmura ang sumabunot sa buhok ko saka ako umatras ng kaonti.

Matalim ang tinginan namin sa isa't-isa nang may biglang bumuhat sa akin at walang pakundangan akong isinampay sa balikat.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumama ang mukha ko sa pwet ng hinayupak na bumuhat sakin.

“HOY! TANGINA SINO KA?!”

“C-Cane...” nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Cane? Ano nanamang ginagawa ng Hurricane na 'to? Bakit nakikialam nanaman siya?

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now