Chapter 4

372 13 0
                                    

Chapter 4
Autumn Sison

Laglag ang panga na nakatanaw ako sa labas ng bintana mula dito sa kotseng sinasakyan ko.

Sa labas ay may malaki at mataas na gate na gawa sa bakal, nababalot ng berdeng damo na gumapang sa bawat bakal ang malaking gate pero tila mas nagdagdag lamang ‘yon ng angking ganda nito.

Sa gilid ay may mataas na konkretong pader na may malaking bilog na diyamante, nakacurve sa itaas ng pulang diamond ang mga letrang bumubuo sa pangalan ng napakagandang gusali sa likod ng mataas na gate. De Viel University

Fudge! Ito na ang De Viel U. Damn! Ang ganda ganda. Feeling ko tumutulo na ang laway ko dahil hanggang ngayon ay laglag pa rin ang panga ko dahil sa pagkamangha sa nakikita ko.

Paraiso ba ito? Bakit ngayon ko lang nalaman na nag eexist ang ganitong university? I should have known! Suki ako ng internet pero bakit hindi ko alam ito?

“Let’s go?”

Kumurap-kurap ako at tiningnan ang anghel na lalaking katabi ko. Nasa loob pa rin sya ng kotse pero naalis na nya ang kanyang seatbelt.

His name is Klaus. Nagpakilala na sya sakin kanina.  Sinabi nya rin na dito sya nag-aaral at talagang matagal na sya sa De Viel U.

“Ah! Ehem. Sure ba? Sure na ito talaga ang De Viel U? Hindi ba ito ilusyon? O baka naliligaw lang tayo?” sunod-sunod na tanong ko.

Ang pagkamangha ko kanina sa university na nasa gilid namin ay tila nadoble dahil sa marahan pero swabeng pag tawa ni Klaus. Fuck! Bakit ang sexy ng tawa nya?

“Let’s go, Autumn. Ang sabi mo, nakatanggap ka na ng confirmation email na natanggap ka na sa university. Kailangan nating ipakita ang pass mo para maadmit ka na sa klase”

Napakurap-kurap ako. Admit? Pass? What the?

“W-What pass?”

Kumunot ang noo ni Klaus pagkatapos ay ngumiwi. “Don't tell me hindi mo pinaprint ‘yong form na kasama ng email na inisend sayo ng DVU?”

“What?! May form? Hindi ko nakita!” napatakip ako ng bibig.

May form? What the hell? Bakit hindi ko nakita ‘yon? Ang malas naman! Paano ako makakapasok sa DVU nito? Ni cellphone nga wala ako e

“Pahiram nalang ng phone, may print machine naman siguro dyan sa loob no?”

Hindi ako sinagot ni Klaus sa halip ay tinitigan nya lang ako na para bang ako na ang pinaka tangang tao sa buong mundo.

“You didn't check the university’s background, right?” seryoso at malamig na tanong nya.

Nangilabot ako sa paraan nya ng pagtatanong at pag tingin sa akin kaya napalunok ako. Kanina ay sobrang gaan pa ng atmosphere sa loob ng kotse, pero ngayon, feeling ko nasasakal ako dahil lumalamig at tila nauubos ang hangin.

Maling tao yata ang nahingan ko ng tulong

“Miss Sison, this university is for assasins, for professional killer”

Napasinghap ako habang nakatitig sa mga mata ni Klaus. Sinasalubong naman nya ako ng malamig na tingin at pakiramdam ko ay natuyo ang lalamunan at dugo ko sa katawan.

Kung kanina ay panatag ako, ngayon ay hindi na ako mapakali dahil sa panganib na nakikita ko sa maamong mukha ni Klaus.

“J-Joke lang ‘yon diba?” tanong ko habang unti-unting kinakapa ang lock ng seatbelt ko.

Gumuhit ang isang mapaglaro at mapanganib na ngisi sa mapupulang labi nya. Unti-unti syang kumilos at inilapit ang sarili sa akin kaya naman naalarma ako at dali-daling inalis ang seatbelt ko.

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now