EPILOGUE

447K 8.9K 1.3K
                                    

EPILOGUE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"You are just infatuated to my daughter, Travis. You can't call it love, young man." Tito Gerry says while looking intensely at me. I stay calm and impassive, I should be aware of my words.

"I am serious, Tito. Alam ko pong nakilala niyo akong gago at tarantado, pero seryoso po ako kay Jeorge." May kumpiyansa kong sagot kay Tito Gerry. Seryoso at diretso lamang itong nakatingin sa akin na para bang isa akong bagay na kanyang iniinspeksyon.

He wants me to talk with him, and this is it. We are talking about Jeorge and I guess, he's just want to protect her daughter. Alam kong matalino si Jeorge at matapang na babae, pero siguro ay instinct na ng mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak. Kaya siguro ako ngayon kinakausap ni Tito Gerry, para mabalaan ako sa anak niya.

"I will give your chance, Travis. Pero sa oras na malaman ko na sinaktan mo ang anak ko, hinding-hindi na kita palalapitin pa sa kanya. Naiintindihan mo ba ako?" Seryoso nitong sabi sa akin. Huminga naman ako ng malalim at tsaka tumango.

"Opo, Tito Gerry." Sagot ko. Tumango lamang siya sa akin at tsaka pumasok sa loob ng bahay nila.

I sighed, a deep one.

Mukhang napasabak ata ako ng giyera sa panliligaw kay Jeorge ah? Si Jeorge pa nga lang, mukhang isang batalyon na ng sundalo tapos may back-up pa siya. Tangna, dehadong-dehado ako nito kapag pinaiyak ko si Jeorge.

Pumasok ako sa loob ng bahay nila at nakita ko si Uge na naglalaro ng XBOX. Inakbayan ko siya at pinanood ko ang nilalaro niya.

"Ang galing mo na diyan ah? Parang kailan lang ang weak mo pa." Pang-uuto ko sa kanya. Madali lang naman kasing utuin si Eugine at konting puri lang sa kanya ay tuwang-tuwa na siya.

"Salamat, Kuya Travis." Sagot naman niya. Ginulo ko naman ang buhok niya at kuwanring nanonood sa kanya.

"Tawagin mo naman ang ate mo oh, sabihin mo nandito ang boyfriend niya sa baba." Mahinahon kong sabi sa kanya.

"O sige, Kuya Travis." Sabi niya sabay tayo at dali-daling umakyat sa itaas. Napangisi naman ako, sigurado akong matutuwa si Uge kapag ako ang naging boyfriend ng ate niya. Aba, sino ba naman ang aayaw sa akin? Magaling akong magbasketball, magaling ako sa school, at pwede ko rin siyang turuan ng mga kung anu-anong bagay. Bonus pa na magaling din akong humalik at sa kama.

Wala pang ilang minuto ay nakita ko na rin siyang pababa ng hagdan. Wala sa sariling napakagat ako sa ibabang labi ko ng makita kong maikling shorts at sando lang ang suot niya. Shit, mukhang magmamaryang palad na naman ata ako mamaya.

"Ano na namang ginagawa mo rito, Travis?" Mataray niyang sabi sa akin. Alam ko naman ang mga ugali ng babae eh, kunwaring mataray pero ang totoo type ka talaga. Nagpapakipot lang naman talaga si Jeorge kasi ang totoo, gustong-gusto niya ako. Nahihiya lang siyang aminin kasi nga matalino siya at gwapo ako.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon