Chapter Seventeen

320K 6.4K 311
                                    

SEVENTEEN

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Tang ina! Nagpapahalik ka sa akin tapos hindi mo pala ako gusto?! Ano 'yon?! Nasarapan ka lang sa lips ko?!" Bigla niyang sigaw sa akin. Napataas naman ang maganda kong kilay sa sinabi niya.

"At bakit? Kapag hinalikan mo na dapat gusto ka? Excuse me, ikaw? Magugustuhan ko? Eh kaya nga ako walang tiwala sa mga lalaki ay dahil sa'yo!" Singhal ko sa kanya. Napatayo naman siya sa sinabi ko at nakita kong napasabunot siya sa buhok niya. Nababaliw na ata siya.

"Pambihira!" Hindi makapaniwala niyang sabi habang nagpapabalik-balik ng lakad.

"A—All this time, akala ko may gusto ka rin sa akin! Pinaniwala ko pa ang sarili kong patay na patay ka sa akin at pinagpapantasyahan mo ang macho kong katawan. Tapos malalaman kong hindi pala? Tang ina talaga." Ani niya sa sarili. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Nahihilo ako sa'yo, Travis! Umupo ka nga!" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Bakit hindi mo ako gusto?! May mali ba sa akin? Gwapo naman ako ah! Macho rin ako dahil lagi akong nagbabasketball. Magaling din ako humalik at kung hindi mo tatanungin, magaling din ako sa kama! Ano pa bang hahanapin mo sa akin, Jeorge?" Hindi pa rin niya makapaniwalang sabi.

"Hindi naman porket gwapo ka, dapat na kitang magustuhan. It takes time, Travis. Hindi naman agad-agad, magugustuhan kita." Seryoso kong sabi sa kanya. Tumigil naman siya at nakita kong huminga siya ng malalim. Mahina rin siyang nagmumura kahit pa tumigil na siya.

"Hindi mo dapat minamadali ang lahat ng bagay dahil baka madali rin mawala." Seryoso ko pang sabi sa kanya. Hindi siya sumagot sa sinabi ko at tahimik lang akong tinignan. Binalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid namin pero agad din iyong nabasag ng magsalita siya.

"Yeah, you're right." Kalmado niyang sagot sa akin. Muli siyang huminga ng malalim at seryoso akong tinignan sa mga mata.

"Aalis na ako." Mahina niyang sabi at tsaka niya pinihit ang seradura ng pinto. Bago siya lumabas ay muli niya akong tinignan at nabasa ko sa mga mata niya na malungkot siya.

Naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng maisara na niya ang pinto. Ngayon ko lang nakita si Travis na ganoon. Malungkot at parang hindi na maipinta ang mukha. Hindi ako sanay na nakikita siyang malungkot o hindi naman kaya'y tumaawa. Nasanay ako na lagi siyang masaya at lagi akong kinukulit.

I sighed, a deep one. I know he's just infatuated to me. Hindi kalaunan ay mawawala rin ang pagkahumaling niya sa akin. He's a playboy, I knew about it. Nasasaksihan ko kung paano siya makipaglandian sa mga babaeng natitipuhan niya at wala pang tumatagal sa kanya. He is just a happy go luck jerk na kung ano ang magustuhan ay ginagawa niya at alam ko sa ngayon ay ako ang gusto niya. Alam kong isa lang itong laro sa kanya na kapag nahulog ako, uuwi akong talunan.

KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa ibaba. Agad akong napalingon sa orasan sa may gilid ko at nakita kong alasais pa lang umaga. Wala naman akong pasok ngayon dahil araw ng lingo at rest day ko. Wala naman akong nagawa kung hindi ang bumangon na dahil naistorbo na ang pagtulog ko. Iritable akong bumangon at dumiretso sa banyo ko para mag-ayos. Sisiguraduhin kong magbabayad mamaya ang taong umistorbo sa pagtulog ko.

Napakunot ang noo ko ng makita ko ang buo kong pamilya na masayang naguumagahan sa harapan ng lamesa at kasama si Travis na hindi maalis ang ngiti sa mukha.

"Good morning, family." Bati ko sa kanila bago lumingon sa pwesto ni Travis na nakangiting nakatingin sa akin.

"Ginagawa mo rito?" Masungit kong tanong sa kanya. Hindi ba dapat kapag na-basted ka, nagmumokmok ka lang kwarto mo at nagpapaka-emo? Eh bakit ang unggoy na 'to ay nandito pa at may gana pang magpakita sa akin? Aba.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon