Chapter Fourteen

312K 6.7K 298
                                    

FOURTEEN

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Hija, andyan na ang sundo mo." Sabi sa akin ni Mommy na nakasilip ng bahagya sa pinto ng kwarto ko. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Prom night namin ngayon at ang walang hiyang si Travis ang kapartner ko. Nautakan na naman ako ng hinayupak na 'yon kaya siya ang naging partner ko. Agad kasing pumayag si Mommy't Daddy noong sinabi ni Travis na inaya ko siyang maging kapartner ko. Kapal ng mukha!

"Susunod na po ako." Sagot ko. Tumayo na ako at hinawakan ko ang light green tube gown ko. Pinagawa talaga iyon ni Mommy para sa akin at binagay niya ang kulay ng gown ko sa kaputian ko. Para raw mas lalong lumabas ang pagiging maganda ko.

"Anak, ang ganda mo ngayon." Nakangiting sabi ng Daddy pagkababa ko. Sinimangutan ko naman siya.

"Ngayon lang, Dad?" Nakanguso kong tanong. Humalakhak naman siya at tsaka ako hinalikan sa pisngi. Hinatid nila ako palabas ng bahay namin kung saan naroroon na ang isang puting van na malamang ay kina Travis.

"Anak, make sure na ihahatid ka ni Travis dito ah?" Paalala sa akin ni Mommy. Iyon kasi ang napagkasunduan nila at hindi man lang nila ako pinagsalita. Ang mga magulang ko tuloy ay naniwala kay Travis na ako ang nag-aya sa kanya. Gosh, gustong-gusto ko siyang sakalin pero hindi ko magawa dahil nasa harapan kami ng mga magulang ko.

Humalik muna ako kay Mommy bago sumakay sa sasakyan nila Travis. Nadatnan ko naman siya roong nakasandal sa upuan habang tulog na tulog. Nakanganga pa siya at mahinang humihilik.

"Pagpasensyahan n'yo na 'yan, Ma'am. Madaling araw na ho kasi 'yang nakatulog. Nakagalitan pa ho iyan ni Sir Trav kagabi at pulos pagbubulakbol ang ginagawa." Sabi sa akin ni Kuya Erik, ang driver nina Travis. Tumingin naman ako kay Travis na sarap na sarap pa rin sa pagtulog.

Nakasuot siya ng kulay puting 3-piece suit na bagay na bagay sa kanya. Sakto lang ang sukat noon sa kanya at para talagang ipinagawa iyon sa kanya. May suot rin siyang kulay puting sapatos at aaminin ko, ang gwapo niya ngayong gabi lalo na't nakaayos pa ang kanyang buhok. Usually kasi, hindi siya nagaayos ng buhok at natural lang iyong magulo na bagay naman sa kanya.

Bigla siyang naalimpungatan ng umandar ng muli ang sasakyan. Agad siyang napatingin sa gawi ko at nakita kong napaawang ang mga labi niya habang nakatitig sa akin.

"What?" Masungit kong sabi sa kanya.

"Ang ganda mo ngayon." Mahina niyang sabi pero hindi pa rin iyon nakaligtas sa mga tenga ko. Inirapan ko lamang siya.

"Itulog mo na lang 'yan, Montemayor. Kulang ka lang sa tulog." Sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang tumabi sa akin.

"Ang ganda mo nga." Sabi pa niya ulit.

"I know." Sagot ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin at naiilang na ako sa mga titig niyang iyon.

"Ano ba!" Sabi ko sa kanya sabay tampal sa pisngi niya para mawala ang tingin niya sa akin. Nakakailang kaya!

"Tinatayuan ako sa'yo, Jeorge." Nakangisi niyang sabi sa akin. Walang sabi-sabi ko naman siyang kinurot sa tagiliran at napahiyaw naman siya sa sobrang sakit.

"Umayos ka nga! H'wag mong sirain ang prom night ko!" Inis kong sabi sa kanya.

"Joke lang, di ka na mabiro. Pero seryoso, ang ganda mo ngayon." Sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at bigla kong napansin ang sugat sa gilid ng labi niya. Wala sa sariling hinawakan ko iyon.

"Ano'ng nangyari rito?" Tanong ko sa kanya. Hinawi naman niya ang kamay ko at tsaka nag-iwas ng tingin.

"Huwag mong pansinin 'yan, wala lang 'yan." Sagot niya sa akin. Piningkitan ko siya ng mga mata ko.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon