Chapter Five

358K 7.3K 654
                                    

FIVE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Bakit ang bait mo ata sa akin ngayon? Di ka nagsusungit ah." Sabi ni Travis sa akin habang puno pa ng kanin ang bibig n'ya.

"Mabait naman talaga ako, sa iyo lang hindi." Sabi ko sa kanya. Inilabas ko naman ang snickers ko sa bag. Mahilig kasi ako sa chocolates at orange.

"Mabait? Ano ba definition mo ng mabait? Iyon bang nanlalait ng kapwa, nananabunot ng walang dahilan, o nananakal na lang kapag naiinis?" Sarkastikong sabi n'ya sa akin. Inirapan ko lang siya sabay kagat sa snickers ko.

"Mapang-asar ka kasing unggoy ka! Kung hindi mo ako inaasar lagi tsaka pinag-titripan, hindi kita lalaitin, sasabunutan at sasakalin!" Sagot ko sa kanya.

"Sarap mo kasing asarin, pikon." Sabi n'ya sabay subo nang kanin. Aba't! Hindi ba n'ya alam na pagkain ko ang kinakain n'ya ngayon? Kung ipaluwa ko kaya sa kanya ang kinain niya. Bwisit na lalaking 'to!

"Hindi ako pikon! Kung sipain kaya kita diyan?" Mataray kong sabi sa kanya. He suddenly smirked.

"Kabayo ka na pala ngayon." Natatawa n'yang sabi pero sa pagtawa n'yang iyon ay bigla siyang napaubo. Napatingin naman ako sa kanya dahil sunod-sunod ang pag-ubo n'ya. Nabulunan ata siya at ito na ata ang matagal ko nang pinakahihintay, ang mamatay siya sa harapan ko! Lihim akong tumawa sa sarili ko. Kung videohan ko kaya ang pagkamatay ni Travis? Good idea! Baka mamaya mag-trending pa ang pagkamatay ni Travis. Pero dahil mabait ako, lumapit ako sa kanya at tsaka siya binatukan ng pagkalakas-lakas. Inabutan ko siya ng bote ng tubig pagkatapos ko siyang batukan.

"Papatayin mo ba ako?!" Galit n'yang sigaw niya sa akin.

"Aba, iniligtas na nga kita lahat-lahat, ikaw pa galit?" Sabi ko sa kanya at tsaka ko siya tinaasan ng kilay.

"Bakit mo ako binatukan?! Dapat ang likuran ko ang hahampasin mo para hindi na ako mabulunan!" Galit pa rin niyang sigaw sa akin habang matalim na nakatingin sa akin.

"Aba, malay ko ba na ganoon 'yon. At tsaka magpasalamat ka na nga lang! Buti nga niligtas pa kita!" Sabi ko sa kanya at tsaka ko siya inirapan.

"Tang ina, malas siguro nang magiging boyfriend mo." Pabulong n'yang sabi pero hindi pa rin iyon nakaligtas sa tenga ko.

"Hoy, Travis Kiel Zaragosa Montemayor Jr. Para sabihin ko sa'yo, swerte ang magiging boyfriend ko! Beauty with brain kaya ako. Palibhasa ikaw, mga tipo mo 'yong mga malalaki 'yong boobs at tsaka wala namang laman ang utak!" Inis kong sabi sa kanya. Naku talaga, kapag dumating ang araw na may pagkakataon akong patayin siya. Gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Hayop na 'to!

"Swerte? May utak ka nga, flat chested ka naman. Tsaka ano lalamasin sa'yo nang magiging boyfriend mo? Tignan mo nga 'yang dibdib mo, kung hindi lang mahaba 'yang buhok mo pagkakamalan ka nang lalaki." Kaswal n'yang sabi sa akin. Bigla namang umakyat ang dugo sa mukha ko at pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko sa galit.

"Bakit ba napakabastos n'yang bibig mo?! Pulos boobs na lang lagi ang nasa isip mo! Bakit hindi ka magsyota ng aso! Walo pa boobs noon, magsawa ka kakadede!" Inis kong sigaw sa kanya.

"Di ikaw magsyota ng aso. Minsan nga, Jeorge, paganahin mo 'yang utak mo. Tsaka itong tinatawag mong bastos kong bibig, maraming kayang paligayahin 'yan." Nakangisi n'yang sabi sa akin na may kasama pang kindat. Walang sabi-sabing kinuha ko iyong baunan ko sa harapan n'ya pati na rin ang tubigan ko. Ako na nga itong concern sa kanya ako pa 'tong lalaitin niya! Arghh. Bwisit!

"Hoy, hoy! Saan ka pupunta?" Tanong niya nang iwan ko siya roon pagkatapos kong ilagay sa bag ko iyong baunan at tubigan ko.

"Don't talk to me! Asshole!" Sigaw ko sa kanya at tsaka ako naglakad ng mabilis papalayo sa kanya. Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang maabutan niya ako.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon