Chapter Thirty

260K 6.7K 1K
                                    

THIRTY

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Bakit parang ang tahimik mo ata ngayon, Jeorge?" Puna sa akin ni Din. Napatingin naman ako sa kanya at tsaka ako ulit tumitig sa kawalan. Nagpakawala ako ng isang mahabang buntong hininga bago magsalita.

"Isang lingo nang hindi nagpapakita sa akin si Travis." Pag-amin ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pag-inom ng frappe niya. Mababaliw na ata ako kapag wala akong napagsabihan tungkol dito.

"Baka naman busy sa basketball o may sakit lang." Saad niya.

"Gusto ko nga rin sanang isipin 'yon pero hindi eh, wala naman daw siyang sakit sabi ni Shaun. Kung nagbabasketball naman siya, nagtetext naman siya. Pero Din, wala eh. Kahit miss call o ano, wala!" Hindi ko mapigilang masabi. Tang ina talaga nang mga lalaki! Pagkatapos kang landiin, iiwan ka na lang. Ano 'yon, mahilig lang sila sa chase?!

"Kayo na ba?" Biglang tanong niya sa akin. Natigilan naman ako.

"H-Hindi pa." Nagawa kong isagot. Hindi pa naman kami pero ngayon pa lang nagkakalabuan na kami. Ano pa kaya kapag naging boyfriend ko na siya? Di mas lalong malala?

Pasakit lang talaga sa ulo ang mga lalaki!

"Hayaan mo siya kung ano ang gusto niyang gawin. Mas maganda nga iyon dahil hanggang mas maaga, alam mo na ang mga pinaggagagawa niya." Sabi ni Din.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Din. She's right, I shouldn't act this way knowing he's not yet my boyfriend. He's just courting me and he's free to do what ever he wants to do. But I can't help myself to be scared. Natatakot ako sa naiisip ko na baka gusto ko na rin siya.

"If I were you, I won't think of that stupid jerk. Aba, kahit pinsan ko siya alam ko naman ang hilatsa ng bituka niya. Hayaan mo na siya, magsaya tayo ngayon! Nasaan na ba si Heena?" Ani niya.

I sighed.

Pigilan ko man ang hindi siya isipin, patuloy lang siya pumapasok sa isipan ko. Hindi ko alam pero parang namimiss ko ang kakulitan niya at ang bastos niyang bibig. Hindi kasi ako sanay na hindi niya ako ginugulo. Isang lingo na rin kasi siyang hindi pumapasok sa school at wala akong balita ni isa sa kanya.

"Nasa loob na raw siya ng mall. Puntahan na lang natin." Sabi ko. Tumayo na kami at tsaka lumabas sa Starbucks. Buti na lang kasama ko 'tong babaeng ito. Kung hindi, kanina pa ako nabaliw kakaisip sa unggoy na 'yon.

Pumasok kami sa loob ng mall at nadatnan namin doon si Heena na kasama si Axcel. Nagkatinginan kami ni Din at parehong napataas ang kilay naming dalawa.

"So, why are you with this jerk?" Mataray na tanong ni Din. Nakita ko naman ang pagsimangot ni Axcel. Sa pagkakaalam ko, kakabreak lang ng lalaking 'to kay Thalia ah? Aba, lumalandi agad.

"Ayaw niya akong tantanan kaya isinama ko na lang, saan ba tayo ngayon?" Saad ni Heena.

"I am hungry." Rinig kong bulong ni Axcel kay Heena.

"Kumain na muna tayo, kanina pa rin ako nagugutom. Hindi naman sapat ang kape lang." Sabi ni Din. Tumango lamang ako sa kanila. Pumasok kami sa isang restaurant para kumain. Napansin ko rin na panay ang pag-uusap nina Axcel at Heena. Kami naman ni Din ay busy sa kung anu-ano, usually girls stuff.

"Travis' here." Natigilan ako sa pagkain dahil sa sinabi ni Axcel. Lahat kami ay napatingin sa kanya.

"He's here?" Tanong ni Din.

"I told him I'm here, eating. He says he'll go here." Kaswal na sabi ni Axcel.

"Why are you so stupid, Axcel?" Inis na sabi ni Din. Kumunot naman ang noo ni Heena na para bang nagtataka sa nangyayari.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon