Chapter Twenty Six

270K 6.3K 240
                                    

TWENTY SIX

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Travis, gusto kong itanong kung bakit ako? Bakit ako 'yong nagustuhan mo kahit alam mo namang hindi tayo magkasundo simula pa noon?" Seryoso kong tanong sa kanya. Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap mula sa may likuran ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso niya, ang dahan-dahan niyang paghinga at init ng buo niyang katawan. Nararamdaman ko iyong lahat.

"Bakit hindi ikaw?" Mahina niyang sabi. Napatingin naman ako sa kalangitan na puno nang mga kumikinang na bituwin. Nasa may terasa kami ng kwarto niya at tanaw na tanaw naming dalawa ang kalangitan. Ayaw pa kasi niyang bumaba at ngayon lang daw niya ako nasolo. Kaya siguro ay sinusulit niya lang ang oras.

"Maliit kaya ang boobs ko." Mahina kong sagot sa kanya. Narinig ko naman ang pagtawa niya.  

"Di palakihin natin." Natatawa niyang sagot. Siniko ko naman siya sa tiyan at para namang walang talab dahil tinawanan niya lang ako.

"Nakakainis ka kamo. Akala mo natutuwa ako sa'yo? Baka nakakalimutan mo na nanliligaw ka pa lang at hindi pa kita sinasagot." Nakasimangot kong sabi sa kanya kahit na hindi niya nakikita ang mukha ko.

"Naka-base two naman ako." Natatawa pa rin niyang sabi at panigurado akong abot tenga ang ngiti niya ngayon.

"Gago ka. Hindi talaga kita sasagutin, Travis. Akala mo ha!"

"Sus, baka nga bukas sagutin mo rin agad ako." May kumpiyansa niyang sabi.

"Ang kapal ha, feeling mo naman ang gwapo-gwapo mo!" Sagot ko sa kanya. Bigla naman niyang hinalikan ang pisngi ko.

"Talaga naman." Sabi niya at inulit niya ang ginawa niya kanina.

"Montemayor baka may makakita sa atin dito." Saad ko. Hindi naman niya tinigil ang ginagawa niya at pinagpatuloy niya lang iyon.

"Masarap gawin 'to, pakielam ba nila?" Nagawa niyang sabihin sa gitna ng ginagawa niya. Nanlaki naman ang mga mata ko at walang sabi-sabing hinampas siya sa braso niya. Itim na sleeveless ang suot niya kaya kitang-kita ko ang macho niyang braso.

Dahan-dahan niya akong iniharap sa kanya at muling inangkin ang mga labi ko. I don't have any reference but I know that Travis is really good at this thing.

Nawawala na naman ako sa sarili dahil sa ginagawa niya. Para ba siyang alak na kapag napasobra, nalalasing ka na lang at nawawala ka na sa sarili mong ulirat kahit na alam mong matino pa rin ang utak mo. Ganoon ang pakiramdam ko sa tuwing hahalikan ako ni Travis. Sa tuwing aangkinin niya ang mga labi ko at titigil lang siya kapag napagod na rin ang mga labi niya.

Parang awtomatikong ginantihan ko ang mga halik niya. Nalalasing ako sa ginagawa niya at alam ko sa sarili kong hindi ko kayang hindi sagutin ang mga halik na ibinibigay niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdam ang paligid naming dalawa. Pakiramdam ko ay wala na akong pakielam kung mayroon bang makakita sa amin. Basta ang mahalaga ay masaya kami kung ano ba ang ginagawa naming dalawa.

"Hoy Travis! Tangna mong gago ka! Kaya pala gusto mong solohin si Jeorge, gusto mo pa lang makascore!" Bigla ko siyang tinulak ng malakas ng marinig ko ang boses ni Xander. Agad kaming napatingin sa ibaba at nakita namin silang lahat na nagtatawanan.

"Kayo ha! Nagsosolo kayo!" Natatawang sabi ni Din habang hawak-hawak ang cellphone niya. Agad naman akong yumakap kay Travis at tinago ang mukha ko sa dibdib niya. Wala na akong pakielam kung ano ang isipin nila dahil ngayon lang pumasok sa isipan ko ang hiya. Nakakainis naman kasi 'tong lalaking 'to! Ang landi masyado.

"Fuckers!" Rinig kong sigaw ni Travis sa kanila.

"Bumaba na nga tayo!" Sabi ko at tsaka ko siya mabilis na hinatak papasok sa kwarto niya.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon