Chapter Thirty Seven

258K 6.5K 606
                                    

THIRTY SEVEN

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Saan ba tayo pupunta, Travis?" Tanong ko sa kanya habang nakasakay kami sa bago niyang sasakyan. Binilhan kasi siya ng Daddy niya ng sasakyan para raw hindi na siya ihahatid ng family driver nila. Nasa tamang edad na naman siya at mayroon na rin siyang driver's license kaya klaro na ang lahat. Nasabi rin sa akin ni Daddy na bibigyan niya rin ako ng sasakyan sa debut ko next year.

"Itatanan na kita, gusto ko na magkaroon ng baby kaya gagawa tayo." Kaswal niyang sagot habang nagmamaneho. Kinurot ko naman iyong tagiliran niya at hindi man lang siya nasaktan at tinawanan niya lang ako.

"Saan nga kasi!" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Mag-dedate tayo, icecelebrate natin ang kasal nating dalawa." Ani niya. Umirap lang ako sa kawalan. Wala kasi siyang ginawa kanina kung hindi sabihin sa lahat ng girlfriend na niya ako at malapit na raw ang kasal naming dalawa. Hinayaan ko lang siya, ang saya-saya niya kasi kanina at ayokong sirain ang araw niya.

"Gago ka talaga, Montemayor. Para ka kamong sira kanina, ano 'yong pinagkakalat mong ikakasal na tayong dalawa?" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Sinabi ko 'yon para wala ng pumorma sa'yo. Tsaka para malaman ng lahat na babae na kita. Ayaw mo ba na malaman ng lahat na boyfriend mo na ako?" Ani niya.

"Ayoko." Mataray kong sagot sa kanya.

"Kinakahiya mong maging boyfriend ako?" Tanong pa niya.

"Oo." Kaswal kong sagot. Nakatingin lang ako sa kanya at tinitignan ko kung ano ba ang magiging reaksyon niya. Nakita kong nawala ang saya na kanina ay nasa mukha niya. Hindi siya sumagot sa sinabi ko at sa tingin ko ay nagtatampo si Travis. Napangiti naman ako ng wala sa oras, ang cute lang niya magtampo.

"Travis." Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nililingon. Seryoso lang ang tingin niya sa kalsada habang nagmamaneho.

"Montemayor." Tawag ko ulit pero wala pa rin, ayaw talaga niya akong pansinin.

"Niloloko lang naman kita kanina, Travis." Sabi ko sa kanya pero ayaw pa rin niya talaga akong pansinin. Ganito pala magtampo si Travis, tahimik lang.

"Uy." Sabi ko pa sabay sundot sa tagiliran niya, pero hindi man lang siya nakiliti kahit konti.

"Babe." Tawag ko sa kanya. Nakita ko namang sumimangot siya sa pagtawag ko sa kanya sa endearment niyang iyon sa akin. Napangiti ako ng wala sa oras, nahuli ko rin ang kiliti ni baby Montemayor.

"Tsk." Masungit niyang sabi. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko, mahal talaga ako ng gagong 'to.

"Bati na tayo?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"H'wag mo akong kausapin." Masungit niyang sagot sa akin, napasimangot naman ako. Ako na nga 'tong sumusuyo sa kanya, siya pa 'tong masungit.

"Di h'wag! Akala mo naman ang gwapo mo!" Inis kong sabi sa kanya. Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa mall. Agad akong bumaba nang makagpark siya.

Nauna siyang maglakad papasok sa mall at wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya. Tinitignan ko lang ang likod niya habang nakasimangot. Bakit ang sexy pa rin niya tignan kahit nakatalikod lang siya? Kainis.

Nagulat ako ng bigla siyang tumigil kaya muntik na akong bumangga sa may likuran niya. "Bakit ba ang bagal mo maglakad?! Tara nga dito!" Sabi niya sa akin at bigla na lang siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko na nagawang bawiin pa ang kamay ko kasi baka mamaya mas lalo pa siyang magalit.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon