Chapter Three

377K 7.7K 544
                                    

THREE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"H'wag mo sabi akong itulak! Ano ba!" Naiinis na sigaw ni Heena kay Axcel. Kanina pa sila nag-aaway at wala naman kaming magawa para pigilan silang dalawa.

"Tinulak ba kita?! Nakita mo bang ako ang tumulak sa'yo?!" Ganting sigaw ni Axcel kay Heena. Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila at nag-suswimming. Weekend at wala kaming pasok lahat kaya bonding at relax time naming lahat.

"Kids behave." Natatawang sabi ni Xander sa kanilang dalawa. Sinamaan lang ni Heena at Axcel ng tingin si Xander.

"Hoy, ang taba mo." Napalingon naman ako sa lalaking nagsalita sa may likuran ko. Si Travis na naka-trunks lang.

"Excuse me, hindi ako mataba!" Sabi ko sa kanya sabay irap. Tinawanan niya lang ako.

"Mataba ka kaya, tignan mo oh. Labas 'yong mga bilbil mo." Mapang-asar niyang sabi sa akin.

"Bilbil mo mukha mo! Palibhasa ikaw payatot." Ganti ko sa kanya. Ngumisi lang siya sabay tingin sa akin.

"Kahit ano talaga gawin mo, ang liit pa rin ng boobs mo." Nakangising sabi niya sa akin habang nakatingin sa may dibdib ko. Bigla namang uminit ang ulo ko at agad ko siyang sinugod pero lumangoy lang siya nang lumangoy.

"Bwisit ka, Ravis!" Naiinis kong sigaw sa kanya nang hindi ko siya mahabol. Tawa lang siya ng tawa.

"Nakakainis nga 'yang mga Montemayor na 'yan." Sabi bigla ni Heena sa gilid ko. Nakasuot siya ng kulay itim na one-piece samantalang ako naman ay kulay pink. Umupo kaming dalawa sa gilid ng pool at tsaka inilublob iyong mga paa namin.

"May araw din sa akin 'yang Ravis na 'yan!" Naiinis kong sabi kay Heena.

"May araw din sa akin 'yang Axcel na 'yan!" Sabi naman n'ya.

"Paano kaya kung mag-plano tayo? Tipong habang tulog sila eh tatakpan natin ng unan 'yong mukha nila para hindi na sila makahinga." Sabi ni Heena sa akin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Ang brutal mo naman masyado, Heena." Sabi ko sa kanya. Ngumuso lamang siya sa naging komento ko sa sinabi niya. Tinignan namin sila na masayang naghaharutan sa pool. Nasa pool sina Travis, Symon, Shaun, Axcel, Aivan, Xander at Rissa na kanina pa nila kinakawawa. Hindi kasi maagaw ni Rissa iyong bola sa kanila.

Narinig ko naman ang pagtawa ng isang bata at biglang pagyakap nito sa may likuran ko. Si Francisco na nakangiti sa amin ni Heena.

"Hi baby boy!" Sabi ni Heena sabay kaway kay Francisco. Tumawa naman ito at tsaka yumakap kay Heena.

"Ang cute-cute niya talaga 'no? Sana nga lang hindi siya magmana sa mga Kuya't pinsan niya." Sabi ko kay Heena. Tumango naman siya sa sinabi ko.

"Ang cute mo, siguradong g'wapo ka rin paglaki mo. Basta, gentleman ka ah? Tapos h'wag kang mang-aaway ng babae, h'wag kang mag-papaiyak ng babae, be generous hindi katulad ng mga Kuya mong madadamot at masasama ang ugali. Okay?" Sabi ni Heena kay Francisco habang nilalaro ito. Magiliw namang tumawa si Francisco na para bang naiintindihan 'yong sinabi ni Heena.

"Hoy! Bitiwan mo 'yang kapatid ko! Mahawa pa sa'yo nang kaartehan 'yan!" Biglang sumulpot sa gilid namin si Axcel.

"Excuse me, kung may mahahawa sa akin 'tong kapatid mo. Katalihunan at kabaitan 'yon hindi mga katangahan mo!" Ganti ni Heena kay Axcel. Magsasalita sana ako pero nagulat ako nang may biglang tumulak sa akin mula sa likod.

Nabigla ako sa pagkakatulak sa akin kaya nakainom ako ng tubig ng bumagsak ako sa swimming pool. Buti na lang at marunong lumangoy, dahil kung nagkataon. Baka nalunod na ako at namatay.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon