Chapter Fifty Five

295K 6.1K 446
                                    

FIFTY FIVE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Naramdaman ko ang paglapat ng likuran ko sa malambot na kutson ng kama. Wala akong ideya kung paano kami nakarating dito, basta ang alam ko lamang ay gusto ko ang nangyayari ngayon. Na gusto ko ang ginagawa niya sa akin.

"Hmmn." Ungol niya ng muli na naman niyang angkinin ang mga labi ko. Bumaba ang mga labi niya sa gilid ng mukha ko pababa sa leeg ko. Nakapikit lamang ang mga mata ko habang ginagawa niya iyon. Sa buong buhay ko, ngayon ko lamang iyon naranasan at aaminin ko, gusto ko iyon.

Naramdaman ko ang kamay niya sa ibabaw ng dibdib ko at napakagat ako sa ibabang labi ko ng bigla niya iyong pisilin. Mas lalo pang humigpit ang braso ko na nakayakap sa leeg niya at nasasabunutan ko na ang buhok niya dahil sa mga ginagawa niya.

Muling bumalik ang mga labi niya sa mga labi ko at inangkin niya iyon ng walang pag-aalinlangan. Sinagot ko naman iyon katulad ng paghalik niya sa akin. Pakiramdam ko ay nakaespesyal kong babae dahil sa mga ginagawa at ipinaparamdam niya sa akin.

I feel safe.

I feel loved.

Hindi ko alam kung ilang minutong magkalapat ang mga labi namin, basta ang pakiramdam ko ay ayaw kong tumigil at ayokong tumigil ang nangyayari sa aming dalawa pero hindi, bigla siyang tumigil na siyang ikinagulat ko. Gusto kong magprotesta sa pagtigil niya pero ng tignan ko ang mga mata niya ay punong-puno iyon ng kahulugan.

"We shouldn't doing this, Jeorge." Seryoso niyang sabi sa akin at tsaka umalis sa ibabaw ko at umupo sa gilid ng kama. Naririnig ko ang paghinga niya ng malalim at bakas doon na kahit gusto niya ay pinipigilan niya ang kanyang sarili niya.

"I respect you, I don't want to take advantage of your weakness. Mahal kita." Mahina niyang sabi. Naramdaman ko naman ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ko ng dahil sa sinabi niya.

Hindi ko alam na mayroon pa lang ganitong ugali si Travis. Kung ibang lalaki siya, they will take advantage of me. Pero siya hindi, he respects me and he loves me. Hindi ko napigilan ang hindi siya yakapin mula sa likuran niya.

"Susubukan kong pigilan ang sarili ko sa susunod kahit na alam kong hindi madali. Okay? Sorry na." He says in a very low voice. Humarap siya sa akin at niyakap din ako ng mahigpit.

"Nakakainis ka naman eh." Parang batang sabi ko sa kanya. Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.

"Hindi na nga mauulit, pipigilan ko na ang sarili ko. Maghihintay ako kung kailan mo gusto." Mahina niyang sabi sa akin.

Mahina ko namang hinampas iyong dibdib niya. "Kakayanin mo ba?" Sabi ko sa kanya.

"Kakayanin ko para sa'yo. Mahal na mahal kita." Sabi pa niya sa akin. Lihim akong napangiti dahil doon. Kung lahat lang sana ng mga gagong lalaki ay mayroong ganitong ugali, di sana maraming babae ngayon ang hindi nasasaktan at masasaktan.

"Tara na, hangga't nakakapagpigil pa ako. Baka mamaya niyan buntis ka na sa susunod na araw." Humahalakhak niyang sabi. Kinurot ko naman iyong tagiliran niya.

"Gago!" Nakasimangot pero medyo nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi ko kasi mapigilan ang hindi kiligin kapag nilalandi niya ako.

Ang landi kasi ng Montemayor na 'to.

Bumaba kami mula sa itaas at nasalubong namin ang iilang bisita. Saglit lamang silang binati ni Travis at tsaka kami dumiretso sa garden kung saan naroroon sila.

"Ehem, ano pong ginawa niyo?" Puna ni Din sa amin. Lumipad ang mga tingin nila sa kamay namin ni Travis na magkahawak.

"Wala naman, nagmomol lang."  Kaswal na sagot ni Travis. Nanlaki naman ang mga mata ko at mahina ko siyang hinampas sa braso niya.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon