Chapter Twenty Three

280K 6.3K 361
                                    

TWENTY THREE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"What we are doing here, Travis?" I asked why looking at him. He just showed me a smile for an answer.

"I'm always here when I wanted to be alone." He said. I suddenly felt his hand slowly intertwined with my right hand. I feel my heart beats really fast. He looks at me and showed me his deadly grin.

"Pero ngayon, pupunta na ako rito kasi kasama kita." Nakangiti niyang saad sa akin. Hindi naman agad ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o hindi. Hindi ko pa naman kasi naranasan na kiligin kay Travis.

"M—Masyadong malayo rito."

"Ayos lang, kasama naman kita. Gusto mo itanan na kita rito?" Nakangisi niyang sabi. Binatukan ko naman siya agad. Itanan niya ang mukha niya! Mag-aaral pa kaya ako ng law!

"Itigil mo 'yang mga kalokohan mo, Montemayor. Hindi ako natutuwa."

"Sorry na, bebehave na ako." Sabi niya. Napatingin naman ako sa mga kamay naming magkahawak. Ang higpit ng hawak niya roon na para bang ayaw niya akong mawala sa kanya. Na para bang iyon na ang bagay na pinakagusto niyang gawin panghabang-buhay.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Malaki iyon at parang isang bahay bakasyunan ang bahay na 'yon. Agad ko namang nilingon si Travis.

"Kaninong bahay ito?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot, lumabas lang siya ng sasakyan kaya lumabas na rin ako.

Agad kong naramdaman ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa paglabas kong iyon. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na mas matignan ang kabuuan ng bahay. May malaking MONTEMAYOR ang nakalagay sa itim na mataas na gate kaya nasisiguro kong sa mga Montemayor iyon.

"Bahay bakasyunan ng mga Montemayor. Walang tao rito, iilang katiwala lang na nagbabantay at nangangalaga rito. Hindi kami masyadong nagpupunta rito, malimit ay sa Rancho sila pero ako gustong-gusto ko rito." Ani niya. Muli ko namang tinanaw ang kabuuan ng buong bahay at masasabi kong maganda at mukhang nakakatakot ang may-ari noon. Naramdaman ko namang muli ang kamay ni Travis sa mga kamay ko.

"Pumasok na tayo, malamig dito sa labas." Ani niya. Pumasok naman kasi sa mataas na gate at mas lalo akong namangha nang makita ko ang loob ng bahay. Kulay itim at puti lamang ang kulay ng bahay pero maganda ang pagkakadesenyo at nadadala ng desensyo ang kulay ng bahay.

Pumasok kami sa loob at tama nga siya, wala ngang masyadong tao. May isang katiwala ang sumalubong sa amin at agad kaming binati. Ngumiti lamang ako bilang tugon at si Travis lang ang kumausap. Pagkatapos noon ay bigla niya akong inaya sa itaas, medyo kinabahan ako kasi sa mga nababasa kong libro. May nangyayari sa mag-ganito. Aba, subukan niya lang na tangkain akong gahasahin. Puputulin ko ang dapat maputol!

"Pwede mo naman kasi akong sa mall na lang dalhin, bakit dito pa?" Sabi ko sa kanya. Papaakyat kami sa itaas at sa tingin ko ay sa rooftop.

"Ang dami mo namang sinasabi, sa gusto kitang dito dalhin, ano'ng magagawa mo? Tsaka ikaw ba gagastos? Hindi naman hindi ba?" Diretso niyang sabi. Sinimangutan ko naman siya sa sinabi niyang iyon. Unggoy na 'to!

"Ano ba kasi ang gusto mong ipakita at—" Bigla akong natigilan ng buksan niya ang pinto ng rooftop. Naramdaman ko ang pag-awang ng mga labi ko sa nasaksihan ko. Hindi ko naman inaakala ang surpresa niya at ngayon ko lang naranasan ang ganito. Ang may magsurpresa sa akin.

"Nagustuhan mo ba?" Nakangiti niyang tanong habang inaaya niya akong maglakad sa isang lamesa na napapalibutan ng mga pulang rosas. I don't know what I am going to feel, but right now. I feel so special because of him.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon